Chapter 22

67 5 9
                                    

Kharen's POV

Ugh.. Ang sakit na ng likod ko. Gumagawa kasi kami ng props para sa Cheerdance at Christmas Cantata namin. Sa Christmas Cantata ako sumali dahil tinatamad akong sumayaw at mag-practice pa kapag sa Cheerdance. Okay, ako na ang tamad.

December na ngayon at Mapeh Month na rin. Ang bilis ng panahon. 2 weeks na rin after nung Acquaintance Party..

"Kha, kain na tayo.. Nagugutom na ko.",sabi ni Derrick tsaka ngumuso

Hihi.. Ang kyoot nya~

"Hmm..",sabi ko tapos kunwari nag-iisip

"Ano ba yan!"

Haha! Nagagalit na sya.

"Sige na nga! Halika na.."

Inayos ko muna yung mga ginagawa ko at tsaka gamit ko. Pagkabilin ko ng iba pang gagawin sa mga props maker, lumabas na ko ng room, baka iwan ako ni Derrick eh..

Pagpasok namin ng canteen, pumila na agad kami, di naman masyadong mahaba yung pila. In-order ko yung Chicken Curry with Rice at Tropicana, ganun din si Derrick.. Hmp, gaya-gaya.

Pagka-upo namin, kumain na sya agad. Gutom na nga talaga sya.

"Hoy girl! Sila talaga!",sabi nung mga pumasok na sophomores

"Ha? Sino? Sino? Ano ba yan! Nahuhuli na ko sa balita ah!",ang ingay nila habang umuupo

"Si Kuya Jerme at Ate Via!! Sila talaga!"

Ramdam kong napatingin sakin si Derrick pero nagtuloy-tuloy lang ako sa pagkain. Sayang yung ulam ko kung di ko lang kakainin. Paborito ko pa mandin to.

"Sus! Hindi naman kaya naging sila! Tsismis lang yun! Diba si Ate Kharen daw? Lagi kasi silang magkasama.."

Oh? Ano naman kinalaman nun?

"Ano ka ba? Dati yun.. Di mo ba napapansin na si Ate Via na yung lagi nyang kasama? Tsaka si Kuya Derrick na yung laging kasama ni Ate Kharen kaya malay mo, nag-break na!"

Kelan kami nag-break? Tsaka hindi nga naging kami. At bakit ba ko nakikinig? MMaubos na nga yung pagkain ko..

"Ano ka? Hindi ka---"

Rrrrriiiinnnggg!!!!

"Mga ate! Bakit ba kasi nagsisigawan jan? Canteen po ito! Wala kayo sa bundok!",Sabi ni Mam Jacob.. Yung Canteen Manager

Nagsisigawan na kasi sila kaya yun, nag-bell. May bell yung canteen namin, para talaga sa maiingay yun.

Pagkatapos ko kumain, nag-vibrate yung phone ko. Nag-text sakin si Keziah,classmate ko,may gagawin pa daw kaming props.

"Derrick.. Halika na! Marami pa tayong gagawin..",sabi ko sabay tayo

Nung palabas na kami, nagulat yung mga sophomores. Hindi kasi nila alam na nandito kami habang nagsisigawan sila.

"Emehged!! Hello po~ Pwede po magtanong?",sabi nung isa

"Pwede naman..",hala! Pa-cool pa tong si Derrick

"Kayo po ba ni Ate Kharen?"

Huh?

"Hin---"

"Oo, bakit?",sabi ni Derrick

ANO DAW?

"Hoy Derrick! Anong pinagsasasabi mo?"

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now