Chapter 10

86 9 5
                                    

Kharen's POV

Totoo ba to? Nasa harap ko si Jerme? At may hawak pang payong ah.

"Sumabay ka na sakin..",sabi niya

Anong sasabihin ko? Sasabay ba ko? Wag na kaya? Eh ang lakas ng ulan. Baka nga hindi na tumigil at di na ko makauwi. Pero siguro naman titigil yan diba?

"Kharen.. Halika na..",sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya

Ano na Kharen? Wag mo nang pairalin ang pride mo at gumora ka na! Baka mamuti lang ang mata mo at di ka makauwi!

"Ah.. S-sige.Sabay na tayo..",sabi ko at tsaka tumayo at nakisukob sa payong niya

Lumabas na kami ng highschool at naglakad na papuntang Main gate ng Complex.

Medyo nababasa na yung left shoulder ko kasi hindi nasasakop ng payong. Nahihiya kasi akong dumikit sa kanya. Ang awkward ng atmosphere namin ngayon at puro patak lang ng ulan ang naririnig ko.

"Uhh.. Bakit pala ngayon ka pa lang uuwi?",basag ko sa katahimikan namin

"Sa totoo lang.. Kanina pa dapat ako nakauwi..",sabi naman niya

"Oh? Eh bakit ngayon ka lang? Inutusan ka rin ng ibang teachers?",tanong ko

"Hindi.."

"Oh? Eh bakit nga?"

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hinintay kita?",sabi niya kaya naman napahinto ako sa paglalakad at napatitig sa kanya

Bago pa ko makapagsalita eh naunahan na niya ko.

"Totoo yun.. Wag mong isiping pinagtitripan lang kita.",seryoso niyang sabi sakin

Tumikhim lang ako at nagsimulang maglakad ulit. Wala naman akong masabi. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nahihiya kasi ako.

"Lumapit ka sakin.. Mababasa ka kung kalahati lang ng katawan mo yung napapayungan..",sabi niya

Lumapit naman ako ng konti. As in konti lang talaga. Mga one inch. Kaya nagulat ako nung hinawakan niya yung braso ko at hinila ako palapit sa kanya.

Teka.. Yung puso ko! Nagwawala na naman. Baka hindi na ko makauwing buhay nito.

Pero wait.. Ang bango niya ah.

Narinig ko namang medyo natawa siya..

"Bakit?",tanong ko sa kanya

"Ang bango ko no?",sabi niya

Huh? Teka.. Obvious ba na inaamoy  ko siya? Oh no! Hindi naman diba? Nakakahiya!

Tumingin nalang ako sa malayo.Basta hindi sa kanya.

"Oh? Ba't di ka makapagsalita jan?",sabi niya tapos sinundot ako sa tagiliran

"Kyaack!! Ano ba?",napatili tuloy ako

"Hahahaha!",tinawanan lang niya ko

May naisip ako..

"Haha!--Tama na! Mababasa na tayo!",sabi niya dahil kiniliti ko rin siya

Hindi ko siya pinakinggan at tinuloy ko lang yung pagkiliti ko sa kanya. And since umiiwas siya at ang gaslaw niya, nabitawan niya yung payong!

"Kyaaaah!!",tili ko dahil nababasa na ko

Agad kong pinulot yung payong kaya hindi naman ako masyadong nabasa. Eh siya..

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now