Chapter 18

55 6 11
                                    

Kharen's POV

Binigay ko na kanina yung cut-outs para sa Aquaintance Party na magaganap.

Sa Friday na yun at wala akong balak pumunta. Maliban sa wala akong escort, magiging bitter lang ako dun. Kung bakit? Kasi makikita ko si Jerme. At masasaktan lang ako. Kasi, may date na siya.. si Ate Via.

Siya yung 4th year student na may gusto kay Jerme. Nalaman ko na sila pala lagi ang magkasama. Hatid sundo siya ni Jerme at sabay din sila lagi mag-lunch. Sabi nga ng iba, nagkakamabutihan na sila. Kaya pala hindi ko na sya nakakasama. May nagugustuhan na syang iba.

Sana naman ininform nya ko diba? Nang hindi ako nagmumukhang tanga. Pero  paulit-ulit ding sumasampal sakin ang katotohanang wala akong karapatan.

Haay.. Eto na naman. Tutulo na naman ang mga luha ko. Agad kong pinunasan yung pisngi ko. Nakakahiya kung may makakita sakin. Papunta ako ngayong canteen kasi bibili ako ng custard cake.

Nakita ko naman sa hallway si Jerme.. kasama si Ate Via. Ang sakit lang.. Na makitang masaya sa iba yung taong gusto mo. Pero tama nga yung sabi sabi.. Bagay silang dalawa.

Eh ano naman nga kasing panama ko kay ate Via? Height palang bokya na agad ako. Maganda siya,maputi at mahinhin.. Yun yung mga tipo ng lalaki diba? Eh ako? Maganda ba ko? Hindi ako kaputian,maingay at madaldal rin ako.. Sinong magkakagusto sakin?

Tumalikod nalang ako at naglakad pabalik. Nawalan na ko ng ganang kumain. Dumiretso ako ng library. Tahimik kasi dito at alam kong walang mangungulit sakin.

Naglakad ako sa gitna ng dalawang book shelf habang nagtitingin ng libro. May librong nakakuha ng atensyon ko..

'Heartstrings'

Hindi naman siya kakapalan. Tama lang.. Nagbuklat- buklat ako. Ang cute nga nung mga drawings eh.

'Others might not give the love you gave to them.. But just wait and there is someone who will definitely give the love you wanted to..'

Binasa ko yung isang line at tumagos naman sakin. Ang kaso.. sino naman magbibigay sakin nung love na hinahanap ko?

Binasa ko pa yung iba..

'If you love them, set them free.. If it's yours it will come back.. but if not.. it's not yours to start with..'

Kailangan ko na nga bang palayain si Jerme? Eh kaso hindi naman naging kami.. so technically malaya talaga siya.. So ang kailangan kong palayain, yung nararamdaman ko..

Ano? Dapat ko na ba talagang itigil to?

Derrick's POV

"Sige na Kha.. Sumama ka na ng Aquaintance Party.. Okay lang naman daw kahit walang escort.. Kami nga eh, solo flight na pupunta doon..",pilit si Sol kay Kharen

Nandito kami ngayon sa tapat ng pre-fab ,sa ilalim ng puno. Pinipilit kasi nila Sol si Kharen na sumama sa Aquaintance Party kaso ayaw niya.. bakit kaya?

"Ayaw ko nga.. Mabuti pang mag-spazz sa SuJu kesa um-attend eh..",sabi naman niya tapos kumagat sa custard na binigay ko sa kanya.

"Tss.. Ano yan? Mabubuhay ka na lang ng ganyan?",sabi naman ni Que. Kilala ko na silang lahat.

"Bakit ano bang masama dun?",tanong ni Kharen

"Sabihin mo.. Uma-ampalaya ka lang..",sabi ni Glen

Anong ibig sabihin nun?

"Ako? Hindi ah.. Tsaka wala nga kasi akong ka-date.. Nakaka----",hindi ko na sya pinatapos kasi sumabat na ko

"Ako! Ako nalang date mo sa party..tutal wala pa naman din ako eh..",sabi ko

"Ayun! Oh ayan ah.. sigurado nang sasama ka..",sabi ni Yen

"Ugh.. ewan ko sa inyo..",sabi niya at inarapan kami.

Haha! Naaasar siya! Kinurot ko yung pisngi nya.. Kung bakit? Ewan ko.. siguro naku-cute-an ako?

Uh.. sinabi ko ba yung 'cute'?

"Araay namaan~ Derrick mashakiiit~",sabi niya tsaka ko hinampas.

Sadista talaga tong babaeng to..

Pasalamat siya..

"Epal ka talaga!",sabi niya at hinampas ako uli

"Gwapo naman..",sabi ko

"Parang di naman..",sabi niya at kumain na ulit ng custard cake.

"Ayyiiee~ Magka-developan kayo jan ah..",sabi ni Que

Nginitian ko lang sila pati si Kharen. Binelatan naman niya ko..

"Sol,Yen,Que at Glen.. Tawag kayo ni Mam Peñanueva.. May iuutos ata sa inyo..",sabi ni Kenneth, classmate namin..

"Oh ateng.. una na kami ah..",sabi ni Glen

"Sige lang..",sabi ni Kharen

"Oy Derrick.. Ingat ka diyan ah..Nangangagat yan!",sabi ni Glen..

"Haha! Salamat sa warning!",sabi ko

Si Kharen, walang pakialam, may kinakain kasi eh. Nagpaalam na ulit sila Sol at pumunta na sa faculty room. Pagtingin ko kay Kharen, nakatingin sya sa ibang direksyon.

Tumingin ako kung saan at nakita ko yung kaklase naming si Jerme, may kasamang babae. Girlfriend niya siguro.

Lingon ko ulit si Kharen. Ang lungkot nya. Bakit kaya? Tiningnan ko naman ulit sila Jerme at binalik ko rin kay Kharen. Teka.. Siya ba yung gusto ni Kharen?

May nakwento kasi siya sakin tungkol sa taong nagugustuhan niya pero may iba daw na gusto. Ang swerte nga ng taong yun dahil nagustuhan sya ni Kharen. Nakatingin parin sya dun.. so I assume na si Jerme nga yung gusto nya? Ang tanga naman niya at di nya alam ang halaga ni Kharen..

"Kha.. May custard cake pa ko dito.. Gusto mo pa?",sabi ko para mapawi yung lungkot nya at maalis narin yung tingin dun

Napatingin nga sya sakin..

"Talaga?! Wow! Sige akin nalang.. Lagi ka nang magdadala ah! Mas masarap yung sayo kesa sa binebenta sa canteen eh..",sabi niya at kinuha yung custard

Nakangiti sya pero hindi umabot sa mata niya. Alam kong nasasaktan sya.. at ayokong nangyayari yun..

Wag kang mag-alala Kharen, magiging masaya ka rin..

Wait A MinuteWhere stories live. Discover now