(play multimedia vid sa start ng flashback, for more feels. pag natapos na at di pa tapos flashback, ulitin nyo nalang bc y not.)
Yoongi's POV
Hindi ko alam ang mararamdaman o iisipin.
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng huling paguusap namin na 'yon ni Leslie.
Dahil rin doon, hindi ako makapagisip ng maayos.
Naiinis ako kasi bakit kailangan maibalik pa yung dati? Eh kung sya mismo yung naunang nang gago.
Nakakatawa isipin kasi kung tutuusin, hindi ko na dapat sya kinakausap pa.
Dapat itinigil ko na ang kung ano mang meron saaming dalawa.
Dapat itinigil ko na kahit yung simpleng biruan at chat.
Dapat wala na.
Pero wala eh, sinunod ko yung gusto at mga kondisyon nya matapos ang mga nasaksihan ko nung araw na yon.
Na ginawa ko lang kasi nga mahal ko sya.
Pero ngayon ko lang napagtanto na napaka tanga ko para sumangayon sa mga kondisyon nya, para ipagpatuloy parin ang lahat. Na parang walang nangyari. Kahit na sobrang sakit na.
Simula pagkabata, simula noong apat na taong gulang kami, magkaibigan na kami ni Leslie. Nauna ko syang makasama kaysa kila Hoseok, Namjoon at Jin.
Magkasama kami sa lahat ng bagay, sa kwentuhan, tawanan, asaran. Sa lahat. Pati sa mga trip naming walang kabagay bagay.
Nung dumating sila Hoseok, mas lalong naging masaya. 10 years old kami noon nang mabuo yung tropa naming lima na sya lang ang nagiisang babae. Pinoprotektahan namin sya at ayaw namin na may kung sino sino lang na lalapit sakanya.
Lalo na ako.
Doon ko narealize na hindi na pala normal ang lahat. Kasi habang tumatagal parang nagiiba, parang nagiiba yung tingin ko sakanya. Parang hindi lang simpleng pagmamahal bilang kaibigan yung naging dahilan ko para protektahan sya.
Yun pala kasi nagmamahal na ako.
Kasi nagseselos na ako sa tuwing may ibang lalapit sakanya.
Noong 14 years old kami, doon ko nakilala si Lexy.
Galing syang South Korea at nalaman namin na anak pala sya ng Tatay ni Leslie sa ibang babae.
Kaso iniwan na sila kaya ayan, inuwi ni tito si Lexy sa Pilipinas para makasama ang bago nitong nanay at kapatid, si Leslie.
Tinanggap nila si Lexy ng buong buo at tinuring na pamilya.
Close na close nga sila ni Leslie at magkasundo sila sa lahat ng bagay, pareho sila ng mga gusto yun nga lang mas tahimik si Lexy at mas magaslaw si Leslie.
Nalaman ko lahat ng 'yon dahil araw araw sya kinekwento saakin ni Leslie.
One time I went to their house, nakita ko noon si Lexy at nginitian nya lang ako pero hindi naman kami nakapagusap.
Wala akong pakealam sakanya kung tutuusin dahil si Leslie lang ang napapansin kong babae, NOON.
16 years old and I pursued her.
Laking gulat ko kasi matapos ang apat na buwan ng paguusap namin at panliligaw ko sakanya, nalaman kong mahal nya rin pala ako. Sobrang saya sa pakiramdam, at sa totoo lang 'di ko alam kung anong gagawin sa sobrang saya ko.
YOU ARE READING
I Don't Give A || M.YG
Short StoryYou can't reply to this conversation. Learn More. Highest Rank #83 in Short Story.