Ilang araw narin simula nang matahimik ang paguusap ni Lexy at Yoongi.
Matapos nyang sabihin ang mga huling salitang 'yon, 'di na sya muling nagchat o nangulit, o kung ano man. Wala na.
"Bro, ano bang trip mo? Hahaha." saad ni Jimin habang tumatawa tawa pa.
"Wala." Sagot naman ni Yoongi, na parang wala lang.
"Alam mo bang tinatanong ni Lexy kung alam ko raw ba kung nasaan ka?" Sabi naman ni Jimin.
"Talaga?" Bakas sa mga ngiti ni Yoongi ang tuwa nang marinig 'yon.
"Oo, mukhang umeepek pagpapamiss ah? Hahahaha."
"Qaqo, hindi naman ako nagpapamiss. Binibigay ko lang sakanya yung gusto nya."
"Pero gaya ng sabi ko, 'di ko naman sya susukuan."
"3 taon na pala ang nakalilipas." Natatawang sabi ni Yoongi sa tuwing naaalala nya yung NOON.
"Nakakatawa kasi hanggang ngayon may kirot parin sa puso, kahit na may iba na kong mahal ngayon."
"Masakit at mahirap parin pala magpanggap na masaya kahit sa loob mo, nasasaktan ka pa."
"Nasasaktan ka na nga, natatakot ka pang masaktan lang ulit."
FLASHBACK 3 YEARS AGO
YOONGI'S POVNaglalakad ako sa park, habang hinihintay sya. Grabe, naeexcite na ko.
Eto na eh, eto na yung panahon kung kelan gagawin ko ng totohanan ang lahat.
Mahal ko sya, mahal nya rin ako, walang mali doon, at nagmamahalan kami. Tama lang na wag ko ng patagalin pa, dahil baka masayang yung panahon.
At 'di ko na sya pakakawalan pa.
Nagpatulong ako sa mga kaibigan kong sila Jin, Hoseok at Namjoon. Pati narin si Jimin isinama ko. Sayang rin yung maitutulong nung pandak na yon, kung meron man syang maitutulong.
Nagset up kami ng surprise dito sa paboritong park ng paborito kong tao sa mundo.
May mga balloons, christmas lights and candle-lit table sa gitna. May rose petals rin na pumapaikot doon sa table.
May sari-sariling cards rin na hinahawakan sila Hoseok. Pero ngayon, pinaalis at pinagtago ko muna sila habang wala pa sya.
Sa sobrang kaba, feeling ko matutunaw na yung boquet ng bulaklak na ibibigay ko sana sakanya..
Kung di ko lang sya nakitang may kasamang iba.
"Hoy! YOONGI TO EARTH?!" Pagwagayway ni Hoseok ng kanyang kamay sa harap ni Yoongi na hanggang ngayon ay tulala parin.
"Ay, oh? Bakit?" Tanong nito.
"Ano nanaman bang iniisip mo? Si Lexy nanaman? Ba't kasi di mo pa ichat?" Tanong naman nito sabay alok ng chichiryang kanina pa nya kinakain.
"Hindi."
"Eh ano?"
"Wala."
"Anong wala? Ano ba talaga? Bestfriend mo ko at kahit gagani ganito lang ako, di mo ko maloloko, Min Yoongi." Natatawa pero bakas ang sinseridad sa boses ni Hoseok.
"Naalala ko lang." Yoongi sighed.
"Ah yun ba?" Ismid ni Hoseok na parang naalala nya rin ang lahat, "Hindi mo pa ba sya napapatawad?"
"Mahal mo pa ba?" Dagdag nito.
"Sya? Hindi ko mapapatawad?" Yoongi bitterly laughed. "Malabo yatang mangyari 'yon. Matagal ko na syang pinatawad, binigay ko sakanya yung kapatawarang gusto nya. Yung kondisyon nya. Lahat."
"Pero yung puso ko?"
"Hindi na."
"Wala na."
YOU ARE READING
I Don't Give A || M.YG
ContoYou can't reply to this conversation. Learn More. Highest Rank #83 in Short Story.