(Play audio sa simula ng lyrics na mababasa downnn below)
Isang linggo't kalahati ang lumipas...
Yung mga araw na 'yon wala akong ibang ginawa kundi isipin sya.. yung kami..
Kung meron pa ba?
O kung wala naman talaga at nagiilusyon lang ako na meron palang salitang 'kami'?
I sighed.
"Hyung, goodluck." Saad ni Jungkook nang ihatid nya ako dito sa bahay namin sa Maynila.
Oo, matapos ang ilang araw na 'yon, napagdesisyunan ko na bumalik na.
Nakapagisip isip na rin ako.
At napagdesisyunan kong magpakatanga,
for the last time.
Malay mo,
Sa pagpapakatanga ko na 'to, may marating ako.
Yung mga pangako ni Lexy noon?
Nung gabi na yon?
Yun nalang ang pinanghahawakan ko at ang pagasa ko para ipagpatuloy 'to,
Ang kung ano ma'ng meron saaming dalawa.
Sinabi nya na walang magbabago.
Sinabi nya na mahal nya ko.
Sinabi nya 'yon at alam kong totoo 'yon.
May tiwala ako sakanya.
Malaki, ang tiwala ko sakanya.
I smiled, "Thanks, Kookie. Salamat narin sa paghatid." Medyo natatawa kong sabi.
Ngayon lang kasi ako uuwi matapos ang lahat ng araw na namalagi ako sa Bataan, sa family beach resort namin.
Wala lang, gusto ko lang na makapagisip isip at hindi mag jump into conclusions.
Wala naman kasing sinabi si Lexy na may iba na sya,
At hindi nya magagawa saakin 'yon.
HINDI PWEDE.
At sinabi nya na mahal nya ko.
Alam kong totoo yon.
MAHAL NYA AKO.
I watched Jungkook drive away at pumasok na sa bahay nang makaalis sya ng tuluyan.
"YOONGI!" Sigaw nila Hoseok at nagulat ako nang makita silang nakaupo sa sofa ng living room namin.
Oo nga pala, may spare keys sila sa buong bahay na 'to.
Sa tagal kasi naming magkakaibigan, pati sila Dad, pinagkakatiwalaan na sila.
Nakaramdam ako ng mga brasong yumakap saakin at nakita ko naman si Jin at Namjoon na nakaupo lang sa sofa habang nakatingin saakin with those 'saan-ka-ba-galing-gago-ka' look.
"Huy! Yoongi! Saan ka ba naglululusot? Nagalala kami sayo! Wala ka man lang replies sa texts namin at tawag! Tapos sa fb at messenger gago 'di ka na namin nakitang mag active! Saan ka ba nanggaling?" Tanong ni Hoseok.
At bilang kabayo sya, pati sa pagsasalita ang bilis bilis nya. Pero halata naman na nagalala talaga sya.
Napatingin ako kila Namjoon and then back to Hoseok, "Wala. Nagisip isip lang ako. Yun lang." saad ko na parang wala lang atsaka naglakad papalapit kela Namjoon at nilapag sa tabi nila yung bag ko.
YOU ARE READING
I Don't Give A || M.YG
Short StoryYou can't reply to this conversation. Learn More. Highest Rank #83 in Short Story.