Yoongi's POV

42 9 43
                                    

Yoongi's POV

Mabilis na lumipas ang panahon, 2 linggo na ulit ang nakakaraan.

Nakakatuwa nga eh.

Kasi sa 14 days na yon, wala na kaming ilangan ni Lexy.

Di na sya masungit HAHAHAHA.

Pero kahit naman kasi magsungit yon, mahal ko parin.

Wala eh, nahulog na ko.

At ang hiling ko nalang,

Saluhin nya naman ako.


FLASHBACK
SUNDAY, 11:11 PM

Yoongi: 11:11 wish

Lexy: wait, really? Hahaha naniniwala ka doon?

Yoongi: bakit naman hindi

Yoongi: eh doon ko nga winish na sana magkausap tayo

Yoongi: yung tipong masaya ka, masaya ako. hindi yung napipilitan.

Yoongi: tingnan mo, natupad na.

Lexy: wow.

Lexy: 11:12 na, ano namang winish mo kanina?

Yoongi: sana pumayag ka.

Lexy: pumayag saan?

Yoongi: to have a dinner with me.

Yoongi: Lotcab Luxuresto, 8:00 pm.



Excited na ko.

Hindi ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.

Maya maya ay dinial ko na ang number nya at huminga ng malalim.

"Hello?" Bungad nya sa kabilang linya.

"Hi, Lexy."

"Oh, Yoongi!" Masaya nyang bati.

"Are you ready?" Tanong ko.

Jusko napapa english ako sa kaba tangnang 'to.

Ba't ko pa ba kasi 'to ginawa pucha.

Pawis na pawis na ko, di pa man nagsisimula yung dinner kinakabahan na ko ng sobra.

"Oo naman, where are you?" Tanong nya.

Sobrang ganda ng boses nya kahit nagsasalita lang, lalong nakakainlove.

Tanginang 'to.

Tinamaan na talaga ko.

"Nasa labas ng bahay nyo." Tumingin ako sa taas habang nakasandal sa kotse ko, looking at her room kung saan tanaw yung shadow nya mula sa bintana.

I Don't Give A || M.YGWhere stories live. Discover now