2 days after
Kung titingnan mo pala, parang napakasama kong tao, 'no?
Pero bakit? Nagmahal lang naman ako ah. Gaya ni Yoongi, nagmahal lang din ako. At hindi kasalanan ang magmahal.
Pero ang magmahal ng maling tao?
Ang magmahal sa maling pagkakataon?
Ang magmahal kahit alam mong may masasaktan?
Yon. Kasalanan yon.
At napakalaki ng kasalanan ko.
Lalo kay Yoongi.
2 days na simula nung huli ko syang makausap. Oo, nasa ospital pa sya. Pero bakit pa ako pupunta doon? Eh wala na nga akong mukhang maihaharap pa sakanya, sakanila.
Nakakatawa lang dahil matapos ko gawin lahat ng 'to, matapos ko syang saktan ng ganon ganon lang, nakuha ko pang magpakaduwag.
Pero, may rason naman ako diba? May rason ako sa lahat ng ginawa ko. And I believe na lahat ng ginawa ko, para sakanya rin.
Pero hindi eh.
Maling mali.
Umpisa palang sana, hindi ko na sinimulan ang isang bagay na alam kong hindi ko matatapos ng maayos. Ang isang bagay na alam kong may masasaktan lang na tao.
Maybe its true, that I deserve all of this. Lahat ng nangyayari saakin ngayon, deserve ko. Kasalanan ko naman kasi talaga eh. I'm insensitive enough to the point na lahat ng taong nasa paligid ko nasasaktan ko na. Nahihirapan na.
Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto kaya agad kong pinunasan ang mga luhang walang tigil na bumabagsak.
"S-sino yan?" Nauutal kong tanong.
"Ako to." Simpleng sagot ni Taehyung. Kahit na may pinto sa pagitan namin, alam kong sa likod noon ay nakangiti sya. Lagi naman eh, lagi naman syang nakangiti. Feeling ko nga ang unfair ko na.
Sa magtatatlong buwan na magkasama kami ni Taehyung, I know na I'm so absent minded. Sa tuwing magkasama kami, hindi ko napapakinggan ang mga kwento nya. Sa tuwing kakausapin kami ng mga magulang namin, wala akong naiintindihan. Everytime na aayain nya ko lumabas or gumala for fun, I refuse.
Isang beses lang kami nakaalis ng magkasama, at yun yung araw na nakita ko uli si Yoongi. Yung araw na nasaktan ko sya ng sobra. Nasaktan ko na nga sya noon, sinaktan ko pa uli. Napakasama ko diba? Napakawala kong kwenta.
Ang daming masasakit na salita ang binitawan ko nung araw na yon, kaya ayan. Nandyan sya, nasa ospital at nakalimot na. Nakalimutan na ako.
Ang tanga naman kasi, Lexy Jung.
Bakit pipili ka nalang ng mamahalin, 'yun pa'ng alam mo'ng masasaktan mo ng sobra.
"Lexy? You there?" Tanong ni Taehyung.
"A-ah oo, wait lang. Wait wait." Nagmamadali kong sabi, sabay pasok sa cr ng kwarto ko.
Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay hindi ko alam ang iisipin o mararamdaman ko.
Yoongi ano ba'ng nakita mo saakin? Bakit ako pa ang minahal mo?
YOU ARE READING
I Don't Give A || M.YG
Short StoryYou can't reply to this conversation. Learn More. Highest Rank #83 in Short Story.