Epilogue

38 4 35
                                    

They say, love is all about looking for "the one". But for me? Love is all about chasing "the one that got away."


Lexy's PoV

2 YEARS LATER

"Love wait lang. Oo sige wait lang." Aligaga kong sabi sa call habang nagmamadaling bumaba sa sasakyan.

"Ang tagal mo naman, love! Kanina pa ko nandito ano ba." Hay nako, ang lakas magreklamo.

"Aba, ikaw ang nagpapunta saakin dito magisa tapos mamadaliin mo ko, 'di mo man lang ako hinintay napaka gago mo." Iritado kong saad.

"Hehe, i love you."

"Che put--"

Call ended??

Putaragris na 'yan. Tatawag tawag tas bababaan ako ng telepono.

Pumunta ako sa passenger seat ng sasakyan at kinuha yung box ng rubbershoes ko don. Tae naman kasi, akala ko naman sa resto kami pupunta, todo heels pa ako. Tapos malalaman laman ko, dito pala sa lugar na 'to. Eh jusko, ang dami daming damo at bato dito. Paano ako makakalakad ng nakaheels?

Agad ko tinanggal yung heels at nagsuot ng rubbershoes. Pagtapos ay dali dali na akong tumakbo papunta sa pwestong sinabi nyang puntahan ko.

In less than 15 minutes, buhay akong nakarating doon.

Pero walang tao????

Punyetaragris.

"Love?!"

"Love?! Asan ka ba hoy!"

"Loveeeee!!" Sigaw ko pa.

Tae naman kasi asan ba yon?

"Loveee!! Asan ka ba?!"




Sigaw ako ng sigaw pero wala naman akong naririnig na sagot at taong nakikita. Pinagtitripan ba ako?

Maya maya ay dinial ko yung number nya sa phone ko, in less than 5 rings agad naman sya'ng sumagot

"Hoy gagito!! Asan ka ba?! Pinagtitripan mo ba ko, ha?! Kanina pa ko nandito oh!" Iritado kong sabi habang nagkakamot ng braso.

Gabi na kasi at malamok, tapos matindi nyan pinagtitripan ka lang pala 'no?


"Turn around." Agad ko naman sinunod ang sinabi nya. At nagulat ako nang mapansing may camouflage na malaking kurtina doon at unti unti 'yon bumaba.


May isang malaking mat doon na may mga unan at may mga nakasabit na colorful lights sa mga puno. May heartshaped landscapes din. May mga alitaptap sa madidilim na bahagi ng lugar. May mga basket na punong puno ng pagkain. May mga flower petals na nagkalat at may isang lalaking nakatayo sa gitna.

May hawak sya'ng boquet ng bulaklak at maaliwalas na maaliwalas ang ngiti nya. Makikita mo sa mga mata nya'ng masaya sya. Nagmamahal sya.

"Lexy Jung." He smiled as he slowly walked forward.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi niya first time gawin 'to. He has done so many surprises for me before.

I Don't Give A || M.YGWhere stories live. Discover now