YooXy's POV

69 6 40
                                    

Yoongi's POV

Matapos ko mabasa yung mga huling katagang sinabi nya, hindi ko na alam yung mararamdaman ko.

Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa sa sobrang sakit... sakit neto. Netong puso ko, na wala namang ibang ginawa kundi magmahal lang.

Ano bang masama sa pagmamahal? Bakit kailangan masaktan?

Dalawang araw na simula nung huling usap namin.

Wala, tumigil na ako.

Akala ko kasi kapag kinausap ko sya ulit, babalik kami sa dati, gaya ng nangyari noon. Yung konting tampuhan, selosan, pero hindi nauuwi sa ganito... sa biglaang hiwalayan.

Napaka tanga ko, oo. Ilang beses ko na sinabi 'yon at sa totoo lang 'di ko na nga mabilang.

Pero kahit alam ko yon, ginawa ko pa lalong tanga yung sarili ko.

Sa loob ng dalawang araw na yon, parang bumalik lahat sa dati.

Yung kay Leslie...

Ganitong ganito yung nangyari saamin noon, kaya mas lalo akong nahihirapan.

Kasi kahit pala naranasan ko na, 'di pa ako sanay. Mas lalo akong nasasaktan. Yung pakiramdam ng laging iniiwanan? Ayon. Ganon kasakit.

Para akong nakakita ng magandang rosas sa garden, kahit na alam kong maraming tinik, hinawakan ko, at lalo kong hinihigpitan ang hawak bawat segundong lumilipas.. kasi alam kong gusto ko yung rosas na 'yon at ayaw kong may makakuhang iba.

Pero habang tumatagal, dumudugo na yung mga kamay ko. Yung kahit na ang sakit na, 'di ko parin pinakakawalan.

Ang tanga. Sobra.


"Yoongi naman! Ilang araw ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo. Pag nalaman pa 'to nila Tito, padadala ka nanaman nila sa Korea." Pagbabala ni Namjoon saakin.

Sa lahat ng tao at mga kaibigan ko, si Namjoon lang ang hinayaan kong makausap ako. Na makita akong nagkakaganito.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Magdiwang? Magpakasaya kasi nagmahal nanaman ako pero wala nanamang magandang nangyari? Nasaktan nanaman? Nagago nanaman? Ganon ba?" I smiled sarcastically.

"Yoongi, hindi ganoon ang ibig ko sabihin. Ang gusto kong sabihin ay ayusin mo yung buhay mo! Wag kang magsettle sa ganito na kada masasaktan ka nalang, magmumukmok ka, madedepress, iiyak, magkukulong. Ano ba naman, Yoongi?"

"EH ANONG MAGAGAWA KO KUNG SOBRANG TANGA KO SA PAGIBIG NA KAYA HALOS LAHAT NG MAHALIN KO GINAGAGO AKO?! SABIHIN MO NGA, NAMJOON! SABIHIN MO KUNG ANONG GAGAWIN KO KUNG SA TUWING MAGMAMAHAL AKO, SA DULO, MASASAKTAN LANG PALA AKO?! WALA BA AKONG KARAPATAN MAGMAHAL? WALA BA?!"

Hindi ko na namalayan ang unti unting pagtulo ng maiinit na likido mula sa mga mata ko, patungo sa mga pisngi ko.

I clenched my jaw and balled my fist.

Dahan dahan akong yumuko kasabay ng paghinga ng malalim at pagbagsak sa sahig ng kwarto ko.

Nanghihina ako.

Sobra.

Sobrang nagmahal, sobrang nasaktan.

Logic.



Ramdam ko ang pagupo ni Namjoon sa tabi ko atsaka nya dahan dahan na hinagod ang likod ko, dahilan para mas lalo akong maiyak.

Traydor na mga luha.

I Don't Give A || M.YGWhere stories live. Discover now