FLASHBACK 3 YEARS AGO
Yoongi's POV
Nung gabi na yon 'di matahimik yung puso ko.
At isip ko.
Sa kaiisip sa mga nasaksihan ko habang yung mga mata ko 'di na makakita sa dami ng mga luhang tumakas mula rito.
Tangina ang sakit.
Sobrang sakit na nga nung nakita kong may kasama syang iba..
Nalaman ko pang isang taon na sya-- silang, nagtataksil saakin.
Tapos mas masakit pa,
Kaibigan ko yung kasama nya.
Bestfriend ko.
Pinagkatiwalaan ko.
Si Jin.
Oo, si Kim Seokjin.
Tangna
Di ko alam kung paano ieexplain yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sa totoo lang di ko alam kung nasaan na ba ako, basta ang alam ko nandito ako sa liblib na lugar kung saan ako lang yung tao.
Kung saan makakaiyak ako ng di ako pagtatawanan at pagiisipang bakla o ano.
Umiiyak ako kasi nasasaktan ako.
Umiiyak ako kasi sobra yung tagos sakin nung mga nakita ko.
Putangina.
Nagtiwala ako
Nagmahal ako.
Pero ganito?
NAKAKAWALANGHIYA.
Maya maya ay nagulat ako sa kamay na pumatong sa balikat ko kaya agad ako napatingin sa kung sino 'yon.
At akala ko makakapatay ako ng tao sa sobrang pagdidilim ng mga mata ko sa nakita ko.
"TANGINA MO ANONG GINAGAWA MO DITO HA?!" Sigaw ko sabay marahas na itinaboy ang mga kamay nya.
"Yoongi naman, ano ba? Umuwi ka na! Lasing ka oh!"
Oo, tama.
Lasing ako dahil galing ako sa bar kung saan pinagtulungan ako ng mga gagitong gangsters doon. Mga punyeta sila.
"WALA KANG PAKE, HA?! OKAY?!" Sigaw ko at akmang lalayo na.
Ang bigat na ng pakiramdam ko
Malamang madaling araw narin dahil wala ng tao, tanging streetlights nalang ang nagbibigay liwanag sa lugar na 'to.
Kanina parin ako nasa bar tas ngayon nandito ako sa ewan ko kung saan 'to.
Naaamoy ko sa sarili ko yung amoy alak at kumikirot rin ang mga sugat ko sa mukha dahil sa pakikipagaway ko doon.
Ang sakit sakit narin ng mata ko dahil sa patuloy at walang katapusang pagiyak.
Ang bigat sa pakiramdam.
Ang sakit sa puso.
"YOONGI MAY PAKE AKO KAYA UMUWI KA NA!"
YOU ARE READING
I Don't Give A || M.YG
Short StoryYou can't reply to this conversation. Learn More. Highest Rank #83 in Short Story.