Pagpapakilala

144 17 2
                                    

Ako si John Ruiz Valdez, isang estudyante na nag-aaral sa pampublikong paaralan dito sa Cavite.

Grade 9, na ako ngayon at ang oras ng pasok namin ay alas sais ng madaling araw kaya minsan tinatamad ako o kaya'y lumiliban nalang ako sa klase.

Hindi pa kase ako handang magpakatino dahil na rin siguro sa impluwensiya ng barkada.

Grade 9, natuto akong magbisyo: Magcutting, mag-inom, gumamit ng marijuana at magyosi. Lahat 'yan ginagawa ko dahil 'masarap magliwaliw kasama ang barkada'.

Ilang beses na akong nasermonan kaya sanay na ako, kumbaga 'pasok sa kanan, labas sa kaliwa.' ulit-ulit nalang kase.

"Ikaw bata ka, napakatigas ng ulo mo. Kailan kaba titino? Isa pang uwe mo ng late, makikita mo ang hinahanap mo." iyan ang laging bulyaw ni Mama sa akin. 

Nakakasawa na, pero wala e. Magulang ko siya kaya mas mabuting tumahimik nalang.

**

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon