Diary 72

11 5 0
                                    

Nagleave ako sa trabaho dahil ngayon ang araw ng panganganak ni Alexis, Labis ang saya ko sa mga oras na ito at may halong kaba.

Andito ako ngayon sa loob kasama siya habang nanganganak, halos mabaon niya na ang kanyang kuko sa palad ko ngunit ang sakit ay hindi ko ininda dahil mas masakit ang pinagdadaanan niya ngayon.

Sa paulit-ulit niyang pag-ire ay lumabas ang una naming anak, Siya si Johny at sumunod na lumabas ay si Lexis.

Sa pag-iyak ng aming mga anak ang sayang gumihit sa aming mga labi.

"Babe, kapiling na natin sila at tignan mo o. Manang-mana sila sa atin." nagagalak kong sambit dito, ngumiti siya sa akin at ipinakita ko sa kanya ang mukha ng aming mga supling.

Kamukha ko si Johny, samantalang si Lexis ay parehas naming kamukha ni Alexis.

Saya. Ligaya.
Ang dalawang iyan ang naramdaman naming dalawa sa oras na ito.

Dinala sa nursery room ang mga bata para maayos muna doon.

Nagpahinga si Alexis at ako'y nagpahinga na rin muna. Sila mama at tita muna ang umasikaso sa mga sanggol namin.

Magkahawak kamay kaming dalawa bago magpahinga.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon