Diary 26

24 7 0
                                    

June 4, 2016

First day of school, medyo kabado dahil hindi ko alam kung anong mayroon sa Grade 11. Kasabay ko ngayon si Alexis at masaya kaming nagkwekwentuhan.

Ang kinuha n'yang kurso ay ABM. Magaling din naman siya sa mga business dahil ang parents niya ang may-ari ng mini market dito sa Cavite.

Hindi masyadong sikat pero dinudumog ng customers dahil ang market nila ay ang mga mahihirap na hindi afford ang matas na presyo.

"Uy, nakatulala ka d'yan?"

"Ah wala. O' andito na pala tayo."

Nakarating kami sa Southern Philippines Institute of Science and Technology. Hindi siya katulad ng pinasukan ko noon, ito kasi building lang. Doon kami dumeretsyo sa Senior High School, inihatid ko muna si Alexis sa room n'ya at ako naman ay pumunta na sa room ko.

FBS A1

Nag-uumpisa na ang klase kaya naman pumasok na ako sa bandang unahan ako naupo. Feeling matalino.

Walang bago puro pagpapakilala at mga rules and regulations sa buong araw.

Mabuti na rin 'yon dahil yung utak ko nagbabakasyon pa. Bukas na raw ang simula ng klase.

Sinundo ko na si Alexis, tapos sabay na kaming umuwe. Walang masyadong espesyal na nangyari sa araw na ito.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon