Diary 14

28 9 0
                                    

Grade 10.

Ang sarap sa pakiramdam dahil welcome na welcome ka sa mga kaklase mo, hindi nila tinitignan yung background ko na dating loko-loko.

Hindi na ako laging umaabsent, dahil mas ginaganahan akong mag-aral ngayon. At kahit absent ako, chinachat ko mga kaklase ko para wala akong makaligtaan na gawain. Okay lang naman sa kanila.

Dumating din sa punto na, nagtataas na ako ng kamay kapag may recitation.

Tsaka kapag nagseseryoso ako nakakakuha ako ng perpect score na sana noon ko pa ginawa para hindi ako sakit sa ulo ni mama.

Diary alam mo bang Top 4 ako ng firstgrading. Nakakaproud diba?

Binalita ko yun kay mama, kaya ayon tuwang-tuwa siya at ipagpatuloy ko lang daw ito hanggang sa makapagtapos ako ng Highschool.

"Huwag kang mag-alala ma, Magsisikap ako para sa ating dalawa."

Masaya,
John Ruiz Valdez.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon