Diary 77

10 4 0
                                    

"Congratulations John."

Iyan ang mga bati sa akin ng mga staff, nakakataba ng puso dahil pinagkatiwalaan nila ako.

Hindi ako mangangako na magagawa ko ang lahat pero gagawin ko ang lahat para mas lalo nila akong pagkatiwalaan. Ang gulo ano?

Basta bilang isang bagong manager, I do my best to work hard.

For my wife and our twins.

This is it pansit, sa buong araw ay ganadong-ganado akong magtrabaho. Walang iniisip na problema at tanging magandang pangyayari lamang ang naiisip ko.

"Ang saya mo ah? Mr. Manager." pang-aasar sa akin ng supervisor. Sus!

"Loko, first time kase 'to pare. Para na rin sa mag-ina ko ang promotion na ito."

"Sabagay, congrats ulit pare. Anong ganap sa birthday mo?" tanong niya. Oo nga pala birthday ko na sa sabado. December 9, 20** madadagdagan nanaman ang edad ko.

"Hindi ko alam pare, siguro kaunting salo-salo lang." Tumango-tango siya at nagpaalam na sa akin, ako naman ay nagtungo na sa opisina ko.

Oo nga pala, 2years na ako dito sa restaurant na pinapasukan ko. Umalis ako sa una dahil nawala na ang ibang mga kasamahan ko.

Umuwi na ako sa bahay at nakita ko ang asawa ko kasama ang dalawa kong anak na kambal.

"Hi dadii." sabi ng panganay kong anak na si Johny.

"Dadhyyyyy." malambing na sambit ni Lexis.

Magkamukha sila ngunit may mga iilang silang pagkakaiba. Si Johny masyadong seryoso samantalang si Lexis naman ay makulit at maingay.

"Hon, Tara magpahinga na tayo."

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon