Diary 59

12 6 0
                                    

"Ma? Hinihanda niyo naba 'yong mga ingredients." tanong ko kay mama.

Ngayon kase ang monthsarry namin ni Alexis, nagkunyari akong may sakit para masakatuparan ang planong ito.

"Oo anak, tara na sa kusina."

Tinuruan ako ni mama kung paano gumawa ng beef steak, fillet mignon at Pasta Carbonara. Pagkatapos namin magluto ay iniayos namin ang kwarto ko at doon naglagay ng mga abubot, iniayos ko din ang regalo ko sa kanyang human size na teddy bear.

"Ayos na, siya nalang ang kulang sana magustuhan niya."

"Magugustuhan niya 'to ma. Tawagan mo na po siya."

Tinawagan na nga ni mama si Alexis at pupunta na daw ito kaya humiga na ako at pinatay ang ilaw.

Maya-maya may kumatok sa pinto ko, siguro siya na 'yan.

"John?"

"Uhm."

"Buksan ko ang ilaw ah?"

"Huwag, ako na."

Tumayo ako at lumapit sa kanya sabay bukas ng ilaw.

"HAPPY ANNIVERSARY HON."

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon