Diary 57

14 7 0
                                    

Sa buong maghapon puro pagpapakilala ang kaganapan sa room. Ang ibang professor namin ay kilala na kami dahil naging guro na rin namin sila.

"Bro, tara sa amin." pang-anyaya ni Bryan sa amin.

"Anong meron dude?" tanong ni Jeff,

"May niluto kase si mama ng pagkain, ano tara?"

Nagkatinginan kami ni Alexis at sabay na sumagot. "Sige."

Sumakay kami sa Jeep, dahil sa Camella nakatira si Bryan. Ayon 'yon sa kwento ni Alexis.

"Manong sa tabi lang ah!" sigaw ni Bryan, agad na huminto ang sasakyan at bumaba na kami.

"Hon, bili tayo ng regalo para kay tita." ani Alexis, agad naman akong tumango.

"Pare, dito ka muna samahan mo muna si Bry. Okay?" sabi ko dito kay Jeff. Tumango lang ito at naglakad na kami ni Alexis sa may 7/11.

"Ano sa tingin mo ang pwede John?"

Napaisip naman ako sa tanong ni Alexis, ano nga ba ang pwede. Hmn!

"Ayon o' chocolate sandwich at mga prutas." turo ko sa isang tabi.

Himala dahil may prutas sila ngayon, ibang klase. Kumuha kami ng dalawa at agad at ng prutas tapos nagbayad na sa counter.

"Pare, ang tagal nyo. Nililigawan na ako ni Bry." tinignan ko naman siya kung seryoso ba siya sa sinasabe niya.

"Joke lang pare, maton 'to. Sayang ang abs at ang no--- nota ko. Araaaaay!" binatukan ko nga, may nalalaman pa kaseng nota.

Nagtawanan naman kami, sana naman hindi tama ang naiisip ko dito kay Jeff.

Nilakad lang namin papunta sa bahay nila Bryan, malayo pero malapit lang pala.

Pumasok kami sa loob at nakita namin ang mama niya. "Good evening tita."

"Aba andito pala ang dating classmate ng anak ko at ang girl---

" Ex Girlfriend ma, si John ang boyfriend niya." Pagtatama ni Bry, ngumiti lang ito sa amin.

"Ah ganoon ba, sige! Kumaen na kayo."

Tulad nga ng sabe, kumaen na kami.
Kwentuhan, tawanan tsaka nagkayayaang umuwe.

Inihatid ko si Alexis sa kanila bago ako umuwe. Naabutan ko pa si mama na naghahanda ng pagkain.

"Good evening mama."

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon