Diary 16

30 10 1
                                    

Diary,

Sa naging resulta ng ranking, hindi ko maiwasang mapangiti.

Rank 3, for the firstime.
Sa aking pagsasaya may isa palang naghahangad na maangatan ako.

Siya si Ruby, simula ng lumabas ang ranking hindi na niya ako pinapansin.

Sa una naguguluhan ako pero nalaman ko din ang sagot. Iyon nga ng dahil sa ranking.

Masakit din pala masabihan ng 'Lumalaki ang ulo' Oo aaminin ko hindi ako nagpapakopya dahil mahalaga sa akin na makakuha ng mataas ng grades na hindi nangongopya sa iba.

Ang pangit lang tignan na, 'Si John, hindi niya deserve sa ranking kase nangongopya lang din 'yan.' Diba?

Kaya nagpupursige ako, kinausap ko siya at sinabe sa kanya na 'Huwag kang mag-alala, sa susunod ikaw na ang nasa taas'

Oo, nagpaubaya ako ngunit sumasang-ayon sa akin ang tadhana. Walang Ranking pero kinokompara niya ang grades ko sa grades niya.

Parehas lang daw, at isa lang daw ang lamang. Kaya ayon ngingiti lang ako.

Doon ko napagtanto na. "Hindi porket matalino ka, Ikaw na ang bida. Dahil mas talo ng matalino ang taong may tiyaga."

Hindi ako matalino, ako lang yung klase ng tao na may tiyaga.

Nagpaubaya,
John Ruiz Valdez.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon