Diary 25

23 7 0
                                    

Maganda ang gising ko, syempre nanaginip ako ng magandang babae. Morena,  kulot ang kan'yang buhok at may kaliitan pero maganda.

Hindi tuloy mawala ang sayang nararamdaman ko. Sana ay maging akin din siya.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si mama na nagluluto.

"Hi mama, goodmorningggg."

"Maganda ata ang gising mo anak."

Hindi ako sumangot tanging ngiti lang ang aking naisukli.

Nakahalumbaba ako habang pinapanuod si mama. Maganda si mama tapos maraming nangliligaw pero ni isa walang sinagot. Bakit?

Ayaw niya daw ng dagdag 'SAKIT NG ULO.' sapat na raw ang tulad ko.

Sweet ni mama ano? kaya nga mahal ko 'yan e.

"Anak, kailan enrollment n'yo?"

"Tapos na ma, pumunta kami nila Alexis sa SPIST nung nakaraang araw."

"Okay, study hard anak."

Pangako, mag-aaral ako ng mabuti ma. Hindi kita bibiguin. Promise.

Nangangako,
John Ruiz Valdez.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon