Diary 74

12 4 0
                                    

"Anak, kamusta ang trabaho?" tanong sa akin ni Ina, ngunit ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

"Alam kong pagod ka, sige na magpahinga kana."

Oo, tama pagod na ako. Pagod na ako sa kakaintindi at paguunawa sa kanila masyado silang abuso.

Inaabuso nila ang bawat isa sa amin para lamang sa kanilang pansariling kasiyahan.

"Hon, come here. I know pagod ka at alam kong wala ka sa mood pero kahit ano mang problema mo ay malalampasan mo 'yan. Dumadating talaga sa punto na kailangan nating harapin ang mga pagsubok. Hon, alam kong matatag ka at ginagawa mo ito para sa future ng mga anak natin pero sana magpakatatag ka."

Napayakap nalang ako kay Alexis at napaisip naman ako, tama nga siya. Ang buhay parang ibon, kung matuwid ang iyong pakpak ay ikaw ay makakalipad ng malayo, samantalang kung ikaw ay mahina hindi mo mararating ang pinakataas na naabot na ng iba.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon