Diary 30

29 7 1
                                    

Isa-isa kaming pinapasok sa loob, by section ang pag-upo. Ang kaso napahiwalay ako dahil hindi na sakto ang upuan.

Kaya ang ending, one of the girls ako at ang malala hindi ko sila kilala. Panay senyas sa akin ng mga kaklase ko kung okay lang ba ako.

I said "Oo, shhh."

Pagkatapos ay umakyat na sa stage ang may-ari ng catering na 'to, ikwinento ang mga paghihirap niya bago niya narating  ang ganitong estado. Nainterview din siya sa TV at isinadula ang talambuhay niya.

Humanga ako sa kanya dahil hindi naging hadlang ang kahirapan para matupad niya ang kanyang propesyon.

Mas lalo tuloy nagkaroon ng rason para magpursige sa pag-aaral at makapagpundar nang sariling restaurant.

Natapos na siyang magsalita, may ginawang demo 'yong kasamahan niya at nagsimula na kaming pakainin.

Kwentuhan lang ang namutawi sa table namin, madali lang silang makasundo. Ang iingay kase kaya hindi ko maiwasang mabilaukan sa kakatawa.

Gusto ko pa sanang umisa kaso puno na ang tiyan ko. Pwede bang magtake out dito?

Ang sarap kasi nung malaking manok. Gusto niyo? Sige, dalhan ko kayo nextyear.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon