Diary 56

15 7 0
                                    

First day of C L A S S.
(June 04, 20**)

-
Sinundo ko si Alexis sa bahay nila dahil nga napag-usapan namin na sabay kaming papasok.

Agad din naman kaming nakarating sa school at naghintay muna kami bago makapasok.

Hindi pa kase awasan ng GRADE 12 Morning. Nakita na rin namin si Jeff na dumating kaya tinawag namin ito, sunod naman na dumating si Bryan.

"Bro? Reunion ba 'to?" natawa kami sa litanya ni Bryan.

"Oo pare, nga pala Jeff si Bryan, Bryan si Jeff."

"Yo pare!" -Bryan

Tumango lang si Jeff at nakipagkamay, umiiral nanaman ang pagiging suplado nitong mokong na ito.

"Hi Bryan, mabuti naman at naisipan mo ritong mag-aral." napalingon ako sa sinabi ni Alexis.

"Wala e, sa tingin ko mas makakabonding ko kayo kapag dito ako nag-aral."

"Really, okay! Welcome to SPIST." ani ko.

Tumunog na ang bell, hudyat na labasan na ng morning class. Kaya umingay sa hallway at nagsilabasan na ang mga estudyante may hindi nakanais-nais na amoy.

Hinayaan ko nalang, pumasok na kami sa loob at naupo sa bandang hulihan, mas komportable kase kaming nakapwesto sa likod.

Hindi naman kase basehan ng talino ang pag-upo sa unahan at mas lalong hindi basehan ang kawalang modo at utak nang nasa likuran.

Dumating na rin ang aming guro at ito'y nagpakilala. "I'm Cortez."

"So, kailangan nating magpakilala. Umpisahan mo lalaking gwapo."

Ako, ako 'yong tinutukoy. "Hi, I'm John."

"Alexis, nice to meet you all guys."

"Bryan, one of the cutest in the world. Aja! Payt! Payt!" palibhasa wala na siyang pimples.

"Arigato, konichiwa, annyeong classmates, My name is Jeffrey Obiliar from Sa puso ni Babe. Char!"

Ang lahat naman ay natawa pati na ang guro namin. Umupo na si Jeff at
sunod-sunod ng nagpakilala ang iba naming kaklase. Natapos din naman agad bago nagpaliwanag si sir nang mga Rules and Regulation niya pati ang criteria sa pagkuha ng grades.

"Babe, mukhang hindi easy ang pagiging grade 12 ah." bulong ko dito.

"Oo nga babe, pero kaya natin 'yan. Laban!"

Walang bago sa first day of school, usual introduce yourself, rules and regulation. Etc.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon