Diary 5

65 13 1
                                    

Pagpasok ko palang sa gate, sinalubong na ako ni Bryan. Birthday niya daw? H'wag nalang daw kaming pumasok, kesyo boring daw. Si ako naman, nag-isip muna. May parte sa akin na gustong sumama at may parte din na hindi. Pero mas nanaig ang saya kaya ang ending sabay kaming pumuslit palabas.

Kinakabahan ako pero nandito na 'to e, panindigan na.

Nang nakarating kami sa bahay nila
ipinakilala niya ako sa mga barkada niya, akala ko loner siya, 'yon pala sikat daming barkada.

Uminom kami ng alak–– Redhorse ata ang pangalan nito. Tapos hindi mawawala ang mga babae, pero hindi nawawala sa aking paningin yung babaeng maikli ang shorts. Ang ganda niya, para siyang isang dalagang bumagsag sa lupa na una ang ulo.

Pero, maganda talaga siya. Crush ko na ata siya.

Nabighani,
John Ruiz Valdez.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon