Diary 42

17 7 1
                                    

Ilang araw akong hindi umuwi sa bahay at nakituloy muna ako kila Jeff. Mabuti nalang mabait sila at maunawain pero umuwe din agad ako baka kase nag-aalala na ang magulang ko.

"Pare, kailan mo balak umuwe? Kanina napadaan ako sa bahay n'yo yung mama mo namumugto ang mata."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Sorry ma!

"Uuwe na ako bukas pre."

"Ikaw bahala basta andito lang ako."

"Salamat pare."

Kinabukasan, gaya ng pangako ko kay Jeff ay umuwe nga ako sa amin. Kahit nasa labas pa lang ako ng bahay ay kinakabahan na ako.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero nilakasan ko ang loob ko at pumasok sa loob. Nadatnan ko si mama na nakatulala sa harap ng TV.

"M-Ma?" tawag ko dito, nakuha ko naman ang atensyon niya kaya tumakbo ito papalapit sa akin.

"A-Anak? Mabuti naman at bumalik k-ka. Miss na miss k-kana ng mama." ramdam ko ang luha ni mama sa likod ko kaya hindi ko na din mapigilan ang sarili ko na maiyak

"So-Sorry ma."

"Okay lang iyon anak, pero 'yong papa mo...."

"Ano po ang nangyari sa kanya?"

"Wala na ang papa mo!"

"Ano..

"PATAY NA SIYA, KINUHA NA SIYA SA ATIN. NOONG UMALIS KA HINABOL KA NIYA KAYA NASAGASAAN SIYA NG TRUCK. A-Anak wala na ang tatay mo."

Shit.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig para magising sa katotohanan.

Ang papa ko.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon