Diary 20

28 9 1
                                    

Lumipas ang ilang araw....

Nakatanggap ako ng text mula kay Alexis, Gusto raw niya akong makausap. Pinag-iisipan ko muna kung papayag ba ako o hindi.

Kung OO, malalaman ko kung anong pag-uusapan namin. At kung hindi, hindi ko malalaman ang pag-uusapan namin.

Sige na nga papayag na ako.

"Okay, kita nalang tayo sa HGC. 2PM."

"Sige, kitakits."

Nag-ayos na ako ng sarili ko, kailangan komportable. Baka masuya sa'kin si Alexis. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Importante ba o baka makikipagbalikan? 

H'wag ng mag-isip ng kung anu-ano John. Baka makikipag-ayos lang.

HEALTHY GROUNDS CAFE .

"Hi, Sorry I'm Late." -Alexis

Ngumiti lang ako, naiilang ako sa totoo lang. Pero hindi ko maiwasang humanga sa kan'ya mas lalo siyang gumanda.

Ganito ba ang epekto sa kanya ni Bryan? kung oo, ang galing.

"John, I miss you. Sorry for everything." panimula niya, nanatili akong nakatingin sa kanya dahil wala akong balak sumagot.

"Noong iniwan kita doon ko narealize na hindi masaya ang buhay ko. John, ikaw ang nagpapasaya sa akin kaya sana mapatawad mo ako."

Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak sa harapan ko. Santo ba 'ko? Di naman ah!

"Matagal na kitang pinatawad Alexis, Hindi ako Diyos para hindi magpatawad. Pero sana ay maging aral sa 'yo ang nangyare. Ikaw ang nagdesisyon n'yan."

"Patawad––John."

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon