Diary 63

13 6 0
                                    

Maagang natapos ang lahat ng palaro, bukas pa ang iba at iyon ay mga indoor games.

Kinabukasan, sinundo ko ulit si Alexis at dumaan muna kami sa Jollibee bago pumunta sa Venue.

"Babe, C1 sa akin."

"Sige babe, d'yan ka lang."

Pumunta na ako sa counter at umorder,

"Dalawang C1, then additional gravy mga lima." sabi ko sa babae, tumingin ito sa akin kaya nginitian ko lang siya.

"Okay sir." sabi nito, binigyan niya ako ng number at pumunta na ako sa pwesto ni Alexis.

"Babe, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya ng makaupo ako, nakalumbaba lang kase siya tapos nakatulala tila may mabigat na iniisip.

"Uh, wala ito babe." sabi nito at ngumiti lang siya.

Dumating na din ang order namin kaya kumaen na kami, pagkatapos ay pumunta na kami sa venue para manuod.

"Babe uwe tayo. Tinatamad ako e."

"Bakit babe?"

"Basta. Inaantok ako."

"Sige."

Sa bahay namin kami umuwe wala si mama ngayon dahil busy 'yon sa networking. POWER!

Humiga siya sa kama ko at umupo sa tabi niya, siguro masama talaga ang pakiramdam niya.

"Magpahinga ka na muna dito babe, babantayan kita." Sabi ko dito sabay halik sa noo. "Sige babe."

Mahimbing siyang natutulog ngayon at ako ay humiga lang sa tabi niya at dinalaw na din ng antok.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon