Diary 80

19 6 0
                                    

"John and Alexis Wedding"

Sa araw na ito ang lahat ay masaya dahil sa sobrang saya nila dahil ito ang kanilang inaabangan.

Sa loob ng simbahan nag-aabang lang si John kasama ang kanyang Best man na si Jeff.

Nagbigay ng hudyat ang lalaki na nasa labas na ang bride. Sinimulan na ang pagtugtog ng kantang "Grow old with you" at ang paglakad ng mga ibang malalapit sa amin.

Nakita ko si Lexis na nagsasaboy ng mga bulaklak at ang huling pumasok ang babaeng magiging asawa ko kasama ang mama namin.

Dahan-dahan silang naglakad hanggang makarating sa harapan,

"Iho, ipinapaubaya ko na sa iyo ang anak ko. Sana'y hindi mo saktan ang kanyang damdamin." Tumango ako bilang sagot.

Ngayon magkaharapan na ang dalawa sa harap ng pari habang sila'y tinatanong na sinasagot naman nila ng "I do"

Nagbigayan sila ng mga kanilang vows sa isa't-isa hanggang inanunsyo na sila ay mag-asawa na.

"Ikaw lalaki maaari mo ng halikan ang iyong kabiyak."

Nagpalakpakan ang lahat at sila'y binati.

Ngayong araw sila ay mag-asawa na at nangako sa harap ng Diyos na sila'y magsasama sa hirap man o sa ginhawa.

Kinuhaan muna sila ng litrato, sunod silang apat bago silang lahat.

Diary ni John✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon