Chapter 2

504 9 3
                                    

CHAPTER 2  <Di ako gold digger!>

"Hija, ito ang anak ko, si Julius Earl Rivero Ko."

Oh my gulay!

Ba't ba ang cruel ni fate? Ba't ba palagi kaming inagtatago ng tadhana? Is this destiny?

Echosera talaga ako. E, di ko nga siya gusto e. At di rin niya ako gusto. Tss.

"Ikaw?!" sigaw niya. Kung makasigaw ng 'ikaw' parang di niya ako kilala. Ako nga di ko sinisigaw niyan dahil alam kong siya, e siya pa kaya. Tsk.

Medyo OA siya ha.

"Ay hindi, ikaw to," at inarapan ko siya. "Tigilan mo na nga iyang 'ikaw' na iyan. Sino pa bang ineexpect mo?"

"Ang taray mo palagi!" irita niyang sabi.

"Alam ko, thank you."

Kumunot ang noo niya.

Medyo naiilang yata si Mr. Ko. "Uh, magkakilala na kayo?"

Si Julius ang sumagot. "Di sana kami mag-uusap kung di kami magkakilala."

Ang sama ng batang to. Banabad-shot ang sariling ama. Tss.

Biglang nag-ring ang phone ni Mr. Ko kaya lumabas siya at... naiwan kaming dalawa dito.

"So anong ginagawa mo rito?"

"Ako ang bagong personal maid mo."

Nag-smirk siya. "I see."

Ang sarap suntukin nito. May 'i see, i see' pang nalalaman. Sabi ni Mr. Ko, playboy daw itong si Julius. Ang mga babae naman, pineperahan lang siya, for short 'gold digger'. Muntik na nga siyang makabuntis. Naku! Kaya gusto ni Mr. Ko na pigilan ko siya sa paglalandi niya o anumang himala na gagawain niya.

"Name?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ba't ko naman sasabihin sayo?"

"E, anong gusto mong itawag sayo? Ms. Sungit? Ms. Taray?"

 "Whatever," at umirap ako. "Mine Arcell Inigo Delore."

Tinitigan niya ako at bigla nalang siyang tumawa ng malakas. Alam ko na ang gusto niyang sabihin. Pero may comeback naman ako. Heh.

"Nice name. For short 'maid'."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Pano naman siya? Ba't 'jerk' ang initials mo? Ay! Oo nga pala no, playboy ka nga pala."

Natahimik siya. Tama lang no! Ipapamukha ko iyon sa kanya.

Biglang pumasok si Mr. Ko.

"So alam mo na ang dapat mong gawin, di ba hija?"

Tumango ako. "Opo."

"Good. Makakaalis na kayo."

"Salamat po," at lumabas na ako pero di lumabas si Julius.

Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Kanina pa kasi ako nauuhaw. Walang masayadong katulong dito maliban sakin at ni manong driver. Ewan ko ba kung bakit hindi nag-hahire si Mr. Ko ng mga katulong pero mas mabuti na iyon, kasi sa panahong ito marami nang katulong na magnanakaw. Baka nga iyon ang dahila kung bakit di siya nag-hahire.

"Young master," narinig kong sabi ni manong driver. "Ito nga pala ang susi ng kotse niyo."

"Thanks."

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon