Chapter 7

326 8 0
                                    

CHAPTER 7   <Caught in Action?!>

Nagising ako dahil sa isang alarm. Alarm? Pero wala naman akong sinet na alarm ah.

Pagtingin ko sa pinto... Patay! Andun si Mr. Ko, nakasimangot samin. Ba't andito si Mr. Ko, e akala ko next week pa siya dadating? Caught in action na kami.

"RISE AND SHINE!" sigaw ni Mr. Ko. Galit ata. Hala.

Nagising naman si Julius at napatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. Napansin niya agad ang pagkakamali niya kaya bumitaw agad siya sakin at bumangon. Bumangon na rin ako.

"Dad-"

"ANO TO HA?! UMALIS LANG AKO AT PAGADATING KO ITO LANG ANG MADADATNAN KO?!"

Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Uh, ba't 'lang'?"

"ANO BA KAYO?! DI PA BA KAYO MAGPAPAKASAL?!"

Napanganga ako pati na rin si Julius.

"Uh, Mr. Ko nagkaka-"

"ASAN NA ANG SINGSING NIYO?!"

"Uh, nagkakamali nga-"

"ANO NA?!"

"DAD!"

Napatingin ako kay Julius na nakapikit dahil sa hiya. Namumula nga e. Ako rin, pulang-pula na sa hiya.

"Dad, you've got the wrong idea. She's not my girl okay? Uh... ewan ko lang kung bakit ganun ang posisyon naming dalawa," sabi niya sabay kamot sa batok niya.

Umiling ako at binatukan siya. Masakit rin iyong 'she's not my girl' pero loko to ah, siya pa ang yumakap sakin, siya pa ang di makaalala. Sarap sakalin nito! Grr.

"Lasing kasi ka nun. Ewan ko ba kung anong iniisip mo sa oras na iyon at niyakap ako bigla," sabi ko.

Napanganga agad siya. Tapos namula at tinakpan ang bibig niya.

Tumango si Mr. Ko. "Ganun ba. Pero gusto ko pa rin siya para sayo. Just go out with her," sabi niya.

"No way dad."

"Ayoko po Mr. Ko."

"Ha? Bagay naman kayo ah," sabi niya sabay pout. Parang bata rin minsan si Mr. Ko, napaka-immature.

Tumawa ako. "Mr. Ko tao po kami, hindi bagay."

Tumawa rin siya. "Oo na. Di ko kayo ipipilit sa isa't-isa pero dadating ang araw na magiging kayo rin," sabi niya at umalis.

Ha? Maging kami? Imposible. Imposibleng maging kami dahil... di kami para sa isa't-isa. Malaki ang distansya namin sa isa't-isa kaya malabo iyong mangyari. Pero gusto ko pa ring maging kami kahit ilang araw lang. Ah! Ano bang pinagsasabi ko?

Si Julius naman kasi e. Sinusubukan ko na ngang kalimutan ang feelings ko para sa kanya, siya pa tong nagpapaalala sakin. Para siyang magnet, kahit anong layo ko, lumalapit pa rin siya sakin. Argh!

Ilang sandali tinawag kami ni Mr. Ko.

"Di kayo papasok sa class niyo today."

"Bakit po?" tanong ko.

"Pack your things. Yung only good for three days."

Umirap si Julius. "Bakit nga dad?"

"Just pack your things kiddos."

"Bakit nga?" sabay naming tanong ni Julius.

Ngumiti si Mr. Ko at may ipinakitang poster.

"Pupunta tayo sa Baguio!"

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon