Chapter 19

276 11 6
                                    

CHAPTER 19   <Confession>

 

Magaling na rin ako sa wakas! Ilang araw rin  akong nagdusa, andun lang sa kama, natutulog di rin makabangon. Hay, buti nalang at may mga mababait aking mga kaibigan at inaalagaan ako ng mabuti. Pero di ko maituturing na mabait si Julius dahil iniwan lang niya ako kahapon. Ang bastos!

 

Anyway, mukhang busy ang lahat sa dadating na February. Ano bang meron sa February? Hmm... ah, alam ko na! Valentine's day nga pala.

 

Magbibigay na naman ang mga babae ng chocolates sa mga lalaki.  May ibang mag-cconfess at ang iba ay nanliligaw. Ang feb 14 para sakin ay march dahil wala akong kalovey-dovey nun.

 

Kailangan ko na bang mag-confess kay Julius? Pero natatakot ako. Ahhhh! Malayo pa iyon e, ba't iniisip ko to ngayon? Hmph.

 

"Okay lang ba sayo ang choco cake Echo?" tanong ni Lavender.

 

"Okay lang sakin ang kahit ano basta galing sayo," sagot ni Echo. Hinalikan niya si Lavender.

 

Umiwas ako ng tingin. "Get a room or something!"

 

Tumawa sila. Minsan sa kasweetan nila, nararamdaman kong out of place na ako. Naghahalikan pa sa harap ko, nakakasuka! Grr.

 

"Ikaw Mill? Mag-cconfess ka na ba?" tanong ni Lavender habang sinisiko ako.

 

"Ewan ko. Natatakot kasi ako."

 

"What? Natatakot ka bang itatakwil ka niya? O, natatakot kang tanggapin ka niya?"

 

"Both."

 

Umiling siya. "Mahirap iyan. Ano sa tingin mo Echo?"

 

 

Tumango si Echo. "Yup mahirap nga. Alam mo Arcell, kung mahal mo talaga ang isang tao, iiwan mo ang takot mo at mamahalin mo siya ng buo. Iyon ang dapat."

 

"At Mill, bakit ka naman natatakot?"

 

Napakagat ako sa labi.  Marami kaya akong kinatatakutan. "Kasi... pag itakwil niya ako, maiiwan akong broken hearted. At baka mag breakdown ako tuluyan at di ko makakaya ang sakit. At ag tatanggapin niya naman ako, baka husgahan ako ng mga tao. Na oera lang ang habol ko sa kanya, na isa akong gold digger. Ayokong mangyari lahat ng iyon."

 

Binatukan ako ni Lavender. "Fait Mill, faith. Mahal mo siya di ba? Then go for it. Confess with no hesitation. Kalimutan mo ang mga takot mo at mahalin siya. Iyan ang importante."

 

Tama siya. Mabuti nalang at andito si Lavender at Echo. Pagdating sa mga ganito, sila ang experts. Ang mature talaga nila. Then its decided. Mag-cconfess ako sa kanya sa February 14.

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon