CHAPTER 21 <San kaya ako mag-ccollege?>
Apat na araw na rin ang nakalipas nung sinagot ko siya. Malapit na rin ang graduation namin.
"Sa'n ka mag-ccolloge Mill?" tanong ni Lavender sakin.
"Hmm? Ako? Ewan ko pa kay mama. Ikaw?"
Nagkibit-balikat siya. "Sa Thomas University. Si Echo sa TU rin. E kayo naman boys?"
"Sa TU rin," sagot nila.
Ako lang ang naiiba. Ewan ko kasi kay mama, sabi niya kasi na siya lang ang magdedesisyon kung san ako mag-ccollege. Gusto ko ring sumama sa kanila sa TU. Nakakainggit ang mga mayayaman.
"Gusto mo ring mag-aral sa TU Arcell?" tanong ni Julius.
"Uh, gusto ko lang kasi sumama sa inyo."
"Then, i'll pay for your tuition."
"Hala! Wag na no. Sasabihin ko nalang kay mama." Kahit na boyfriend ko siya, ayokong gamitin siya. Ayokong gawin siyang advantage sa buhay ko. Mali kaya iyon.
~~ <3 ~~
Weekend ngayon kaya nag-suggest si David na lumabas kaming lahat. Sa resort raw nila.
Magkikita raw kaming lahat sa bahay ni David, pero since di ko alam kung san siya nakatira kaya sinundo ako ni Julius. Pagdating namin andun na silang lahat maliban kay Niko. Asan kaya siya? Baka di na siya dadating.
Nag-biyahe na naman kami. Dalawang oras lang naman ang biyahe at nakarating agad kami sa resort ni David. May mga tao ngayon well, weekend naman ngayon kaya expected na meron talagang mga tao ngayon.
"Mill halika na!" sigaw ni Lavender at pilit akong hinila. "Wag ka ngang KJ! Naghihintay na si Julius sayo!"
"AHHH! Ayoko! Nakakahiya!"
Nakakahiya kung magpapakita ako sa kanya ng ganito lang ang suot ko. Nakabikini lang kaya ako. Ahh! Hinila niya ako ng malakas kaya nagpadala nalang ako. Ano pa ba magagawa ko? E baka bugbugin ako ng babaeng to.
"Eto na ang regalo ko sayo Julius," sabi ni Lavender at binigay ako kay Julius. Tao ako hindi regalo. Ano ba yan.
Ni head to foot ako ni Julius at ngumisi. "Not bad. Wag kang mag-alala, i'm not touching you kahit na nakakaturn-on ka ngayon," sabi niya at tumawa.
Sinapak ko siya. Bwisit na manyak to ah. "Walang hiya. Lumayo ka sakin!"
Ito ang di ko gusto e. Nagkakaroon siya ng mga urges kaya minsan natatakot ako sa kanya. Pero nagpipigil naman siya. Sana nga may control siya sa sarili niya.
Tumakbo silang lahat sa beach pero nagpaiwan ako kasama si Julius. Medyo dinistansya ko ang sarili ko sa kanya. Kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit.
Bigla niya akong inakbayan. "Chill Mine. Nag-promise ako na wala akong gagawin sayo na ayaw mo di ba?"
Tumango ako. "Alam ko."
Umupo nalang kami ni Julius sa buhangin at tinignan ang mga kaibigan namin. Ilang sandali umahon din sila at nilapitan kami. Kakain na raw kami, si Jesie kasi tinamaan na nang pagiging matakaw niya. Si David at Jesie na ang kumuha ng mga pagkain namin, may maliit kasi na restaurant sa malapit.
Pagkatapos naming kumain, nagdesisyon kaming maglaro ng beach volleyball. Si Lavender, Echo at ako ang team A. Sina Julius, David at Jesie naman ang team B. Si Alois naman ang referee. 15-12, lamang ang team namin ng 3 points. Nasa team ko kaya si Lavender, varsity kaya siya sa volleyball.
"Okay! Switch places!" sigaw ni Alois.
"Magaling ka pala sa volleyball Mill?" tanong ni Lavender.
Umiling ako. "Di naman. Mahilig lang talaga ako sa volleyball."
"Dapat tayong manalo kung ayaw natin makuha ang malupit na dare."
Ang talo raw kasi ay makakakuha ng isang dare. Ang mananlo ang mag-ddecide ng dare para sa matatalo na team.
Si Jesie ang nag-serve ng bola, nakuha iyon ni Echo at ako na ang nag-spike. Natamaan si Julius ng bola at natumba siya.
"Hala! Julius, ayos ka lang?" tanong ko.
Tumangosiya ero di naman siya maayos. Namumula pa nga ang mukha niya at nagdudugo ang noo niya. Dinala ko agad siya sa lodge at ginamot siya.
"Di ko alam na matatamaan ka ng bola. Sorry talaga Julius."
"Ayos lang ako. Now, stop apologizing."
Tumango nalang ako. Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko.
In the end, ang team B ang nakakuha ng dare. Ang dare? Si David at Jesie ay dapat baguhin ang status nila sa facebook... dapat ang dalawa ay in relationship sa isa't-isa. Pfft... si Lavender ang nakaisip nun. Kay Julius naman ay... dapat baguhin ang status niya sa facebook into single. Well, magtatagal iyon ng isang linggo lang. Nakakaawa kasi...
Sa'n kaya ako mag-ccollege? Sana sa TU nalang para makasama ko pa rin sila. Ma, asan ka na kasi?