CHAPTER 18 <Visiting the sick>
(JULIUS)
Absent pa rin siya. Ever since that day, di na siya pumapasok sa school. Di nga rin siya pumupunta sa mansyon. Ano bang nangyari dun?
"Bro, anong gagawin mo?" tanong ni David. Alam na rin nila ang lahat nang nangyari.
Nagkibit-balikat nalang ako. "Ewan ko. Magiging awkward rin pag susubukan ko siyang bisitahin."
"Mag-confess ka kaya," suggest ni Alois. "Matagal ka na ring may gusto sa kanya. At gusto ka rin niya. Ano pa bang hinihintay mo?" May point rin siya dun.
"Baka maunahan ka pa ng iba diyan," sabi ni Jesie na may smirk. Alam ko, andyan si Nik, gusto niya rin si Arcell. Pero wala rin namang pag-asa si Nik sa kanya.
"Ewan ko. Naguguluhan na nga ako e."
Biglang may kumatok sa pinto. ng lounge namin. Pumasok si Nik. Hmm? Oo nga pala, may pala siyang sumali sa band namin.
"Gusto kong sumali sa band niyo. Okay lang naman di ba?" sabi ni Nik.
"Your in. Alam mo naman palagi ang sagot ko," sabi ko. Its not bad having him in the band. May talent naman siya sa music. Wala rin namang kokontra.
Umupo siya sa tabi ko. "Di mo ba alam?"
"Ang ano?"
"Gusto ka ni Arcell."
Alam ko."
"Gusto mo rin siya."
"Oo, bakit?"
Tumato siya at tinapik ako sa balikat. "Sa totoo lang, gusto ko nga si Arcell pero kasiyahan pa rin niya ang nauuna. Jul i want you to confess... she's waiting," sabi niya at umalis.
Ano bang kinain nun? Ibig sabihin ba nun susuko na siya? Pero pano ba niya nalaman na gusto ako ni Arcell e di naman nagsasabi ang babaeng iyon. Di bale na nga.
May kumatok na naman.
"Come in," sabi ni David.
"Excuse us." Oh, si Lavender pala kasama ang boyfriend niya, si Echo.
"Julius, di mo ba bibisitahin si Mill?"
