Chapter 8

369 8 0
                                    

CHAPTER 8  <Baguio!>

"Ang bagal mo Arcell! What are you, a snail or turtle?!" sigaw ni Julius sa labas.

"Teka teka!" Mag lilip balm nalang ako. Hassle minsan pag lipstick ang ilagay ko. "Andyan na!"

Paglabas ko nakita ko si Julius na nakasandal sa hood ng kotse niya. Grr. Ba't ba ang gwapo niya? Forget him Mine! Focus!

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Gentleman din to minsan. "Ba't ba ang tagal mo?!"

"Di mo maiintindihan ang pag-aayos naming mga babae."

Umiling siya at pumwesto sa driver's seat. Oo nga pala, ngayon lang ako nakasakay sa kotse niya. At ngayon ko pa lang siya makikitang mag-ddrive.

Kanina pa nakaalis si Mr. Ko, sabi niya sa private plane nalang siya sasakay kasi may pupuntahan. Iba talaga pag mayaman. Tss.

Tahimik kaming nag-biyahe pero di naman awkward.

"Gusto mo bang mag horse riding?" biglaan niyang tanong.

Tinignan ko siya. "Ha?"

"Meron kasing mga kabayo dun kaya kung gusto mo, sasamahan kita."

"Okay lang din. Gusto ko ring maexperience iyon."  At gusto ko ring makakuha ng mga pictures. Nagdala kasi ako ng camera, iyong pang photographer. Nanghiram ako kay mama. Mahilig kasi ako sa photography.

Nakakuha na nga ako ng maraming magagandang pictures sa pagbiyahe namin. Puro mga landscapes.

"Were here," sambit ni Julius at itinigil ang makina ng kotse. Lumabas siya at pinagbuksan ulit ako ng pinto.

Paglabas ko, agad akong kumuha ng mga pictures. Ang ganda ng paligid. Malimig rin, buti nalang at naka-sweater ako. Para lang akong nasa ibang bansa.

"Arcell wag kang lalayo ha!" sigaw ni Julius at pumasok sa bahay na tutuluyan namin.

Agad kong finucos ang camera ko sa isang kabayo na napadaan sa bahay namin. Ang ganda talaga ng mga kuha ko. Naglakad-lakad muna ako para makakita ng ibang magandang spot. Habang naglalakad ako, nakabunggo ako. Isang lalaki.

"Hala sorry!" sabi ko habang tinutulungan siyang makatayo.

Tumawa siya at tinignan ako. "Okay lang." Cute siya ha. Wait...

"Ikaw tong lalaking nakabunggo sakin sa campus. Iyong may crush kay Lavender."

"Ah, close ba kayo?"

"Yup. May gusto rin siya sayo."

Lumaki ang mata niya at mas namula. "B-baka mali ka lang."

"Di no. Siya pa nga ang nagsabi sakin e."

"Talaga?"

"Di ako nagsisinungaling. Arcell nga pala," sabi ko sabay lahad ng kamay.

Tinanggap niya iyon at ngumiti. May dimples pala siya. Ang cute! "Echo ang pangalan ko."

Napansin kong may dala rin siyang camera na katulad sakin. "Marunong ka?" tanong ko at tinuro ang camera niya.

"Oo, ikaw rin?"

"Yup! Favorite ko ang photography."

"Pareho pala tayo."

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon