CHAPTER 23 <Ang Katotohanan>
"Mine, ayos ka lang?"
Tinignan ko si Julius at ngumiti. "Ha? Ah oo, ayos lang ako. Kinakabahan lang ako."
"Ano ka ab. Kilala ka na ng lahat ng kamag-anak ko kaya chiil. Nagustuhan ka nila remember?"
Tumango lang ako at ningitian siya. Isang linggo na ang nakakalipas nung graduation namin at di ko pa nalilimutan ang sinabi ni mama nun. Ba't naman ako pupunta sa States? At ano naman ang gagawin ko dun?
Di ko muna iisipin iyon, focus muna ako sa araw nato. Ngayon ang family reunion nina Julius at ipapakilalana niya ako bilang official girlfriend niya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Think positive, alam kong magugustuhan nila ako gaya nang nung nagustuhan nila ako nung new years.
Pumasok kami sa mansyon nina Julius, dun kasi iheheld ang reunion. Relax Mine. Wag kang kabahan, think positive.
Napansin nila ang pagpasok namin at agad kaming binati. Pero ang iba nagtataka kung bakit magkasama kami.
"Teka cuz, kayo na ba?" tanong ni Darwin. Naunahan niya kami...
"Wag mo nga akong unahan," sabi ni Julius. Tinignan niya ng seryoso ang mga kamag-anak niya. Nakahawak na naman ang kamay niya sa beywang ko. "Arcell Delore is my official girlfriend."
Tumahimik sila.
"Oh, maganda iyan Jul," si Niko ang nagbasag ng katahimikan.
Agad kaming inulan ng 'congratulations' at 'good luck'. Niyakap rin ako ng mga kamag-anak niya. Yayakapin na nga rin ako ni Darwin pero hinila ako ni Julius. Heh, seloso pa rin siya. Pagkatapo nun, kumain kami. May lechon a nga silang nakahanda e. May mga desserts rin at pati ice cream... my favorite! Si Julius raw ang nag-recommend ng ice cream. Nagsisiyahan kami ng bumukas ang pinto.
"Wala ba kayong balak na isali ako sa fiesta niyo?" tanong ng isang magandang babae. Para siyang model sa silver dress niya.
Hinawakan ni Julius ang kamay ko. "Mom anong ginagawa niyo rito?"
"I'm still part of this family so i came over para makisaya."
"Umalis ka na Jelainne. Di ka imbitado dito."
"Oh my, ang sama niyo," sabi niya at tumingin sakin.
"At sino naman ang magandang babaeng to?"
Mas humigpit ang hawak ni Julius sa kamay ko. "Stay away from her," malamig na sabi ni Julius.
"Kamukhang-kamukha mo si Stephany... Oh, pati na rin ang mga mata ni Flynn," sabi ng mom ni Julius. Sino si Stephany at Flynn? Ano bang sinasabi niya?
