Chapter 13

289 10 0
                                    

CHAPTER 13  <December Shopping>

"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko.

Hinihila pa rin ako ni Lavender. "Last minute shopping!"

"Ha? Ba't kasama ang boyfriend mo?"

"Mali bang kasama siya?"

Umiling ako at nanahimik.

Christmas eve na kasi ngayon. Ang bilis talaga ng oras no. May nabili na akong regalo para kay Julius at Mr. Ko, binigay ko na rin ang regalo ko para kay Lavender at Echo. Binigay ko na rin ang regalo ko para sa kabanda ni Julius. Pero bakit may last minute shopping pa tong si Lavender?!

Tumigil si Lavender sa paghihila sakin. "Teka... tinawag mo ang 'boyfriend' ko si Echo?"

"Bakit? Nanliligaw siya di ba?"

"Di pa nga niya ako sinasagot e," sabi ni Echo.

Tumawa lang si Lavender. Langyang babae, nagpapakipot pa! Kailan pa ba niya sasagutin si Echo, hanggang sa maging dalawa ang buwan? Tss.

Ilang oras di kaming naglibot-libot sa mall (si Lavender lang talaga ang namili). Naaawa na rin ako para kay Echo dahil siya ang nagdadala ng lahat na pinamili ni Lavender. Akalain niyo naka-anim na paper bags na si Lavender! Grabe ng babaeng to, pinapadusa pa ang manliligaw niya. Pwede naman siyang mag-shopping sa susunod ah.

"Ayos ka lang ba Echo?" tanong ko sa kanya nang nag-ccr si Lavender.

Tumawa siya. "Ito, buhay pa rin."

"Pwede naman kitang tulungan diyan."

"Wag na. Kaya ko naman to e."

Bumuntong-hininga ako. Panglimang beses niya na akong tinanggihan para tulungan siya. "Di ka pa niya sinasagot?"

Tumawa na naman siya. "Nagpapakipot pa nga e."

Oh! Alam niya pala.

"Sinong nagpapakipot?"

Patay! Andyan na si Lavender.

"Ikaw," diretsong sagot ni Echo. Echo, ba't mo naman sinabi?!

"Bakit? Gusto ko munang maranasan ang maging single hanggang new year," sabi niya at kinindatan kaming dalawa. Walang hiyang babae, e single na siya for 15 years! Tsk tsk.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Gagawin mo bang new year's resolution ang magkaroon ng boyfriend?"

"Why not!" sagot niya at tumawa. Baliw.

"Umuwi na nga tayo!"

Kailangan ko ng umuwi kasi kanina pa akong hinahanap ni Julius. Akalain niyo... HE FLOODED MY INBOX. He's plain rude. Bwisit talaga ang lokong iyon. Kainis!

~~ <3 ~~

Pagdating ko, pinaulanan niya agad ako ng mantra (meaning, pinapagalitan niya ako ng sobra). Di ko na narinig ang boses niya dahil sa mga paputok. At dahil ang bilis niya ring magsalita. Ano ba talaga to? Mantra o rap?

Mabuti nalang at andyan si Mr. Ko para patigilin si Julius sa pagsasalita. Pakilam ba niya kung mag-lalast shopping ako? Tse.

Ilang sandali nag countdown na kami, pati na rin ang mga kapitbahay.

"3... 2... 1! MERRY CHRISTMAS!"

Ayun, all night kaming kumain at nag-usap. Nagkkwentuhan rin kami sa maraming bagay, mostly si Mr. Ko ang nagkkwento. Nag-exchange gift din kami. Make-up kit at isang black dress ang natanggap ko galing kay Mr. Ko. Sa katanuyan, di kailangan ng make-up, di kasi ako mahilig sa mga make-up (kunti lang siguro). Sabi ni Mr. Ko, maganda raw ako kaso di ako nag-aayos kaya mas maganda raw ako pag may make-up. Pero okay naman ako sa itsura ko, parang natural lang naman.

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon