CHAPTER 20 <Second Kiss>
Tatlong linggo na rin ang nakalipas nung nagtaat ako ng pag-ibig kay Julius. Actually, sabay naming sinabi ang tatlong salita na iyon. Tapos nun, tinanong niya ako kung pwede bang lumabas kami, as in date. Pumayag naman ako. Alam na rin ng lahat ang nangyari dahil inannounce niya. Walang hiya talaga siya! Alam niyang dapat walang makaalam tungkol samin. Grr.
Di pa rin tanggap ng mga fans club niya ang nangyari. Pati na rin si Bianca at ang mga alipores niya. May isang araw nga na inatake nila ako pero mabuti nalang at nakita ako ni Niko.
Inaasahan ko na ang mga bagay na to. Sinabihan nga nila ako na manggagamit lang ako, na pera lang ang habol, na gold digger rin ako pero ipinamukha ko sa kanila na inosente ako. Na maganda ang intensyon ko kay Julius. Kahit naman na hindi siya mayaman e mamahalin ko pa rin siya. Wala namang pinipili ang pag-ibig di ba? Basta't mahal mo ang isang tao, iyon lang importante. Pakilam ko ba sa mga status na iyan.
Oo nga pala, malapit na ang family reunion nila Julius. Plano kasi ni Julius na ipakilala ako sa mga kamag-anak niya bilang girlfriend niya e di ko pa nga siya sinasagot, lumalabas pa kami. Pero pumayag naman ako kaso kinakaban pa rin ako sa magiging reaksyon nila. Nakakapressure.
"Hoy ayos ka lang?"
Tumingin ako kay Julius. "Ha? Ah, okay lang ako."
"Birthday mo ngayon kaya magsaya ka. Ang dami mong inaalalang problema."
Tumango ako. "Okay." Tama siya. Magsasaya muna ako ngayon since birthday ko naman. Iseset aside ko muna ang mga problema ko.
Si Julius ang nag-organize na maliit na party na to. Sina Lavender, Echo, Niko, David, Jesie at Alois lang ang imbitado. Nasa condo ko kami ngayon.
"Guys maglaro tayo ng truth or dare!" sauggest ni Alois.
umayag naman kaming lahat. Si Alois talaga ay palaging may kalokohang iniisip. Pero sa huli, masaya naman. Nag-form kaming lahat ng bilog. Katabi ko Julius at Lavender, ayaw kasi ni Julius na tumabi ako kay Niko. Insecure pa rin. Pinaikot ni Alois at tumapat ito kay Lavender.
"Truth or dare?" tanong ni Alois.
"Gosh... dare!" sagot ni Lavender.
"Tapang ha," sabi ni Alois at tumango. "Hmm. Then, kiss David in the forehead!"
Naghiyawan silang lahat. Ako naman natatawa dahil sa itsura ni Echo nung hinalikan ni Lavender sa noo si David (tinutukso lang nila si David dahil noon crush daw ni David si Lavender). Pinaikot ulit ni Alois ang bote at nakaturo to kay Niko.
"Dare," mahinahong sabi ni Niko.
"Okay... then, hug Arcell!" sabi ni Alois at tumawa.
Hinatak agad ako ni Julius. "Hoy! Ba't ang Arcell ko pa?!" reklamo niya.