Chapter 6

357 10 2
                                    

CHAPTER 6  <Bagong Kaibigan>

(ARCELL)

Pagmulat ko agad kong naramdaman ang sakit ng ulo ko. Ugh... ano bang nangyari?

"A-arcell baby?"

"Mama?"

Niyakap ako ni mama. "Oh my god. Arcell, gising ka na. Sobra akong nag-alala sayo." Ngumiti siya kahit na umiiyak siya.

"Mama, anong nangyari?"

Umiling siya.

May pumasok naman. Si Julius lang pala. May dala siyang basket na may mga prutas at isang boquet ng bulaklak. Ngumisi siya ng makita akong gising.

Nagpaalam si mama at sinabing magpapahangin lang siya.

"Hi," sabi niya.

"Hi."

"How are you?"

Nagkbit-balikat ako at ngumiti. "Ayos lang naman. Buhay pa. Ano bang nangyari?"

Bumuntong-hininga siya. "Di mo ba naalala nung birthday ko, kinausap ka ni Bianca ka at ng mga alipores niya. Sinigawan ka niya bigla at tinulak ka. Nauntog ang ulo mo sa pool at nahulog ka. Kaya dinala agad kita sa ospital."

Tumango-tango nalang ako. Ganun pala ang nangyari. Wala kasi akong naaalala.

"Um Julius, ilang araw na ba ako natutulog?" tanong ko.

"Ha? Oh, mga dalawang linggo siguro pero dapat manatili ka pa rito ng isang linggo," sabi niya at binigyan ako ng mansanas.

Kinagat ko ang mansanas at tumingin sa bintana. "Di pala kita na-greet nung birthday mo. Happy birthday."

"Sakin pala yung gitara na nasa kwarto mo?"

Nakita na niya pala. "Oo, birthday gift ko sayo."

"Ganun ba. Nagustuhan ko, thanks." Bumuntong-hininga siya. "So, quits na tayo?"

Tinignan ko siya at tumango. "Siyempre naman."

Naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko. Agad niya akong niyakap. Wha?! Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Nambibigla na naman siya.

"Hey, i miss you," sabi niya. Niyakap ko nalang siya pabalik.

Baliw na baliw ako syo Julius pero di tama tong nararamdaman ko sayo. Kaya ititigil ko na tong nararamdaman ko para sayo. Ayokong masaktan dahil sa pag-ibig. Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako dahil first time ko to.

First time kong mainlove. Nakakatakot rin pala ang umibig.

~~ <3 ~~

Yes! Nakalabas na rin ako sa ospital. Namimiss ko na rin ang school pero never ang mga kaklase ko dun. E, sila nga ang dahilan kung bakita ako napadpad sa ospital pero wala talaga akong sinisisi. Ang bait ko kaya. Si Bianca at ang mga alipores niya ay humingi na rin ng tawad pero di pa rin kami close. Ayoko rin namang maging close sa mga pugita na iyon.

Afternoon classes nalang ang inattend ko since late na ako.

Pagdating ko sa school, nagsitahimikan agad sila. Uh... ang weird nito. Naglakad nalang ako patungo sa classroom at pagdating ko, tumahimik na naman. Ayoko nito.

Noon pagdumating ako di nila ako pinapansin pero ngayon, tinititigan nila ako. Jusko! Parang nasusuffocate ako.

Nagbabasa nalang ako para makaiwas sa mga titig nila. Tinignan ko ang orasan ko. Matagal pang mag-start ang class ko kaya lalabas muna ako.

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon