CHAPTER 16 <New Home?>
(ARCELL)
Ilang oras nalang at new year na. Naiilang rin ako kasi andito lahat ng kamag-anak ni Julius. Mga pinsan, tito, tita, pati na rin ang lolo at lola niya. Ah... ako lang ang di kadugo nila dito. Sobrang nakakailang! Kainis! Sana di na ako sumama.
Mabuti nalang at mababait ang mga kamag-anak niya. Tinuturing din nila akong kapamilya nila. At mabuti nalang ipinakilala ako ni Julius bilang kaibigan lamang.
At asan na ba Julius? Iniwan lang niya akong mag-isa dito sa labas. Grr.
"Mag-isa ka lang yata dito."
"Darwin, ikaw lang pala." Akala ko kung sino, siya lang pala. Si Darwin ay pinsan ni Julius at magkasing-edad lang kami. Cute at mabait si Darwin kaya agad ko siyang nagustuhan (bilang friend, of course).
Ningitian niya ako. "Sino pa ba? Alam mo, pinag-aawayan ka nang dalawang iyon," sani niya at tinuro sina Julius at Niko na parang nagtatalo.
"Di no. Imposible naman iyon."
"Totoo. Pati si tito Jomar at tito Jules pinag-aawayan ka para sa anak nila." Nagkibit-balikat siya at tumingin sa dalampasigan. "Maganda ka naman, mabait at easy-going, kaya di na ako magtataka kung bakit ka nila pinag-aagawan. It's all worth the fight."
Tumawa ako. "Di kaya. So, kung totoo ngang pinag-aagawan nila ako... kanino ka boto?"
Tinitigan niya akong mabuti at tumingala sa langit. "Kay Julius."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sagot niya. Ugh, kainis to. Pakiramdam ko tumalon sa saya ang puso ko sa sagot niya.
"Sabi ko na nga ba!" sigaw niya at tumawa. "May gusto ka kay Julius no?" tanong niya at tumawa ulit.
Obvious nga talaga ako. "Uh... basta wag mong sabihin kahit kanino."
"Siyempre naman. Maaasahan mo ako agdating sa mga secrets," sabi niya at kinindatan ako.
Pagkatapos nun, pinag-usapan lang namin ang mga random na bagay. Tulad ng anong ginagawa niya sa Batangas (dun kasi siya nakatira) at kung may girlfriend na basiya at kung ano-ano.
Tumingin siya sa phone niya. "Ah, 5 minutes nalang."
Biglang lumabas ang lahat at pumunta sa beach. May fireworks kasi silang nakahanda kanina.
Nabigla ako nang may kamay na pumulupot sa baywang ko. Alam ko na kung sino to. Si Julius. Ba't ba ang baywang ko ang palagi niyang pinupuntirya?
"Anong pinag-usapan niyong Darwin?" tanong niya nang di tumitingin sakin.
