CHAPTER 26 <I SHALL RETURN>
"Arcell, hihiramin lang kita sandali," sabi ni Julius habang hinihila ako palabas sa ospital.
Ngayon kasi ang labas ko at ngayong gabi na rin ang punta ko sa States. Nung umuwi sina mammoy at daddy para kunin ang mga damit ko sa condo nang biglang pumasok si Julius. Sabi niya ito na ang huling pagkikita namin kaya gusto niyang gumawa ng memories habang andidito pa ako sa pilipinas. Aayaw na sana ako pero kinaladkad niya ako palabas. Bahala na nga.
"Let's just do normal stuff in a normal place," sabi ni Julius.
Date sa park ang naisip niya. Then park date it is.
"Oy, kain tayo ng street foods," suggest ko.
"Ha? Baka dirty iyan."
"Ang arte naman nito. Kayong mayayaman palaging sinasabi na di malinis ang mga street foods. Di niyo pa nga tinitikman. Kung ayaw mo, e di ako nalang ang kakain." Ang arte nito, masarap kaya ang mga street foods.
"Kakain na rin ako," bigla niyang sabi.
Kumuha ako ng isang qwek-qwek at isinubo ko iyon sa kanya. "Iyan. Masarap di ba?"
Tumango siya. Sinubuan ko rin siya ng temura at fish ball. Oh, nasarapan naman siya. Nung una ang arte e ngayon, nasarapan. Tsk.
Napansin kong kanina pa niya ako tinitigan. May dumi ba sa mukha ko?
"Ano?"
"Naansin ko kasing tumataba ka."
Kinirot ko ang pisngi niya. Argh, kainis siya. "Hoy, di kaya. Ang ganda kaya ng figure ko."
Tumawa siya. Nababaliw na to.
Sunod naming sinubukang mag-bisikleta. Nagikot-ikot kami sa buong park. Binilhan niya rin ako ng red balloon at isang boquet ng bulaklak. Nagselfie-selfie rin kami kahit labag sa kalooban niya ang mag-picture. Mas masaya talaga ang araw pag kasama ko siya.
"Masaya ka ba ngayon?" tanong niya habang tinitignan ang sunset.
"Tinatanong pa ba iyan? Siyempre naman. Ikaw ang kasama ko e."
"Ako rin."
Pinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. "Kailangan na nating umuwi."
"I know. Mamaya na ang flight niyo di ba?"
"Oo."