CHAPTER 24 <Not Deserving>
(JULIUS)
Tumakbo si Arcell, di man lang niya nakita ang paparating na kotse at nabangga siya. Nakita iyon ng mga tao at nilapitan siya.
"Isakay siya!" sigaw ng lalaking nakabangga sa kanya.
"Teka!" sigaw ko. "Girlfriend ko siya, sasama po ako!"
Grabe ang mga sugat na natamo niya. Ang dami ring dugo. Kinakabahan na rin ako. Tatawagan ko si dad mamaya. Arcell hang on.
~~ <3 ~~
Nakarating din kami sa ospital. Agad naman kaming tinulungan ng mga nurse.
"Uh sir, dito ka lang po," sabi ni isang nurse.
Umupo nalang ako sa isang bench at tinawagan si dad. Kailangan ko rin ng extra shirt, nagkadugo kasi ang polo ko. Mukhang masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya.
Argh! Ba't kasi siya tumakbo?! Di man lang tumingin sa dinadaanan niya. Napaka-careless talaga. Buti nalnag at nag-brake agad ang driver ng kotse kundi mamatay agad siya. Ahhh! Wag kang ganyan, mabubuhay siya. She'll definitely live. Di niya ako iiwan ng mag-isa, she once promised that in the stars.
*Flashback*
Nung birthday niya, ang araw na sinagot niya ako...
Pagkatapos naming maghalik, andun lang kami, nakatingin sa langit. Full moon sa gabi na iyon at madaming stars.
"Julius?" tawag niya.
"Hmm?"
"Kung may shooting star, anong iwwish mo?"
Nag-isip-isip ako. "To be more cool that anyone?"
Binatukan niya ako. "Iyan lang ba ang iisipin mo?"
"E ikaw, ano bang iwwish mo?"
"Gusto kong makasama ka habang buhay."
"Oy, maganda iyan," sabi ko at tinignan siya ng mabuti. "Then i'll wish to be at your side forever."
Hinawakan niya ang kamay ko at pumikit. "Julius, promise ko sayo na hinding-hindi kita iiwan. Palagi lang ako sa tabi mo hanggang sa pagtanda ko. Promise ko iyan sa mga stars."
"Promise?"
"Promise. Basta ikaw rin."
