CHAPTER 5 <Unfortunate Accident>
November 5, 2013, Tuesday, Julius' 18th birthday.
Ngayon na ang araw na dapat magkaayos na kaming Julius. Ayokong sirain ang pinakaimportanteng araw niya.
Kaninang umaga, inimbita niya lahat ng estudyante sa school. Kahit sino pwedeng pumunta sa birthday party niya.
Bago nagsimula ang party, isinantabi ko ang mga gamit ko. Baka kasi makita nila at paghinalaan pa ako.
Simple lang naman ang party. Ako at ang kabanda niya ang nagdesinyo sa mansyon. Kami rin ang naghanda ng mga pagkain, pati na rin ang cake. Ang kabanda rin niya ang naghanda ng susuotin ko. Ewan ko ba sa kanila, may binabalik siguro ang tatlong iyon. Well, hindi naman masama... blue tube dress aqt blue doll shoes rin.
Naging mas exciting ang party nang nagpakita ang birthday boy. Naka blue three piece suit siya. Wait, blue?! So, pair pala kami. Sabi ko na nga ba, pakana to ng kabanda niya. Kainis, center of attention na naman ako ngayon. Bwisit! Grr.
Humupa ang bulung-bulungan ng nagsalita si Julius. "Hello guys. Thanks for coming to my 18th birthday! I really appreciate it," pumalakpak kami. "So, uh, iyon nga, thanks for supporting me all this time. For supporting my band of course, the Blue Sapphire, and all. David, Jesie and Alois, love you guys! Your always there for me, thanks. So, please enjoy and have fun!"
Agad kong nilapitan ang kabanda niya. Nakangisi pa sila.
"Pakana niya ba to?" tanong ko.
"Ang ano?" tanong naman ni David, ang talagang main planner nito. At nagmaang-maangan pa.
Umirap ako. "Duh, ito," sabay yuto sa suot ko. "Ba't pareho kaming blue ngayon?"
Tumawa sila. Mga walang hiya! "Wag kami ang pagsalitaan mo. Si Julius ang may talagang pakana nito. Ewan ko nga sa kanya," sabi ni David.
Natameme ako. Bigla na naman bumilis ang pintig ng puso ko. Nakakafrustrate na to!
"Argh! Ba't niyo naman sinunod?"
"E, siya ang leader namin e," sabi ni Alois.
"Ba't ko ba kasi tinanggap to?" bulong ko.
Tumawa si Jesie. "Alam mo, pwede mo naman iyang hubarin."
Ew. Binatukan ko na agad. Pahuhubarin niya ako e wala akong ibang damit kasi tinago nila. Mga madaya! Oo, tinago nila. Kainis! Mga masasama sila.
"Mga bwisit talaga kayo. Grr," sabi ko sa kanila. Tumawa lang sila.
Lumabas ako at pumunta sa may pool. Baka mamaya sugurin ako ng fans niya. Mapapahiya na naman ako nito. Sigurado ako, susugod iyong mga pugita--
"Hey you!"
Napalunok ako. Speak of the devil.
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?"
"Ay hindi ikaw," ang sarkastik nito. Sa tingin ko si Sunny Raw siya, alipores ni mommy pugita. "Ikaw lang naman ang poor dito so sino pa ba?"
Umirap ako. "Ano bang kailangan niyo mga pugita?"
"Pugita daw! Bianca oh!" sigaw ng isa, di Dandelion.
Tapos lumabas si mommy pugita. So Bianca Chua ang captain ng cheerleading squad (pugita squad daw, ika nga). Tse! Di ka naman kagandahan e, morena ka lang. Uling!
"Name?" tanong niya.
Aba't matagal na ako sa school, di niya pa rin ako kilala? Magaling ha! Ang hina ng brain mo teh! Kainis.
"Ba't ko naman sasabihin sa isang tulad mo?"
Nilapitan niya ako kaya napaatras ako. Marami na rin ang nanunuod samin. Mapapahiya talaga ako nito!
Tinaasan niya ako ng kilay at ni head-to foot. "Ba't ba naka blue ka? Alam mo ba nag kulay ng susuotin ni Julius? Stalker ka ba niya?" sunod-sunod na tanong niya.
"Hindi-"
"Bakit, gusto mo ba siya?"
Natahimik ako.
"Wala kang karapatan para gustuhin mo siya dahil akin lang siya. At saka wala ka rin sa fans club niya. Kaya akin lang siya!" sigaw niya sabay tulak sakin.
Natumba ako at nauntog ang ulo ko saka ako nahulog sa pool. Pinilit kong lumangoy pero ang sakit ng ulo ko. Masakit talaga.
Narinig ko ang sigawan. Argh... ang sakit.
Julius... asan ka ba?
~~ <3 ~~
(JULIUS)
Nakita kong nagkagulo sa may pool kaya lumapit ako kasama ang kabanda ko.
Andun si Arcell, inaaway ni Biance at ng mga alipores niya. Sinigawan siya at tinulak. Nauntog ang ulo ni Arcell sa edge ng pool saka siya siya nahulog sa pool. Sumigaw ang mga babae at nagpapanic kaya lumapit ako lalo.
May dugo sa pool at nanggaling iyon kay Arcell. Hinubad ko ang coat ko at sumulong sa tubig. Pag-ahon ko, namumutla na siya at nagdudugo ang ulo.
"David, ang sasakyan ko! Bilis!" uots ko. Kailangan ko siyang dalhin sa ospital.
Lumapit si Bianca sakin, namumutla at nanginginig. "J-julius, i'm sor-"
"Later! At wag ka sakin humingi ng tawad. Kay Arcell," sabi ko at pumunta sa labas.
Andun na ang kotse ko at si David ang nagmamaneho.
"Jesie, Alois! Stay here at bantayan niyo ang mansyon!" sigaw ko at tumango naman sila. "Go go go!"
Hang in there Arcell! I'm here.
