Chapter 15

294 12 2
                                    

CHAPTER 15   <Niko and Julius are relatives?!>

"Dad? May bisita pala tayo?"

Nalaglag ang panga ko ng makilala ko ang nagsalita. Siya pala ang anak ni tito Jomar at ang pinsan ni Julius?! Tama nga ang hinala ni Lavender... may kaugnayan nga sila. OH EM GE...

Inakbayan ni tito Jomar ang anak niya. "Jules, Julius kilala niya na ang anak ko so, Arcell, ito ang anak ko, si Nikoel Roshiel Ko."

"Niko?!"

"Arcell?!"

"Anong ginagawa mo rito?!" sabay naming tanong.

"Teka, magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni tito Jomar.

Sumagot si Niko,"Siyempre, nag-uusap kami di ba?"

Oy, magkapareho ang scene na to nang nalaman kong si Julius pala ang anak ni Mr. Ko. Pareho nilang binad-shot ang tatay nila. Tsk tsk.

"Kilala mo si Nik?" tanong ni Julius sakin.

Tinignan ko siya at inarapan. "Nag-uusap nga kami di ba?"

"Tch. Pano naman kayo nagkilala?"

"Una kaming nagkilala sa mall," sagot ni Niko.

Sinimangutan ako ni Julius. "Wala kang sinabi sakin na may nakilala ka palang lalaki at pinsan ko pa."

"Malay ko ba pinsan mo siya. At saka wala ka namang pakialam kung sino ang makilala ko. Wag ka ngang bantay sarado sakin."

"Teka, ano bang relasyon ninyong dalawa?" tanong ni Niko.

"Ha? Magka-"

Biglang kumapit si Julius sa baywang ko. "Girlfriend ko siya."

"Akala ko ba hindi kayo?!" sabay na tanong ni tito Jomar at Mr. Ko.

Tinulak ko si Julius at sinapak siya. Sa totoo lang, medyo tumalon sa saya ang puso ko ng sinabi niyang girlfriend niya ako. "Tumigil ka nga. Walang kami. Gets niyo?"

Tumango sila. Umupo ako sa sofa. "Ang kulit niyong mga lalaki."

Umupo rin si Julius sa tabi ko. Umupo rin si Niko sa tabi ko, sa kaliwa since nasa kanan ko si Julius. Nakakakilabot ang atmosphere ng dalawang to. Pakiramdam ko sinasakal ako ngayon dahil parang ang sikip ng hangin dito. Mukhang pati ang mag-pinsang to palaging nag-aaway. Tsk.

Mr. Playboy's Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon