CHAPTER 3 <Type ko>
1 week na ang nakakalipas nung napagsalitaan ko si Julius pero quits na kami. Nag-sorry naman siya kaya pinatawad ko na pero pag-uulitin niya iyon di ko na siya patatawarin at babasagin ko ang mukha niya as bonus mula sakin.
Friday ngayon at wala pa rin siya. Naglalandian na naman siguro, palagi naman e.
"Ah hija," tawag ni Mr. Ko.
"Bakit po?"
"Pwedeng bang idelete mo ang contacts niya maliban sa nasa list nato," sabi niya at binigyan ako ng isang papel. "Pwede ba?"
"Yes po."
Umalis din siya. May business trip kasi si Mr. Ko sa Tagaytay. Inihabilin niya naman ang mansyon sakin. Ang laki talaga ng tiwala ni Mr. Ko sakin. Sorry ka nalang Julius pero ako muna ang masusunod dito.
Tinext ko muna si mama na sa mansyon muna ako tutuloy. Bigla namang dumating si Julius.
"Oh. Ayan na pala ang royal highness. Ba't ba ang tagal mo?!"
Umupo agad siya sa sofa. "Si dad?"
"Umalis papuntang Tagaytay."
"I see."
Hinila ko siya sa tenga kaya napatayo siya.
"Magbihis ka nga!"
Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa tenga niya. "A-aray! Ang brutal mo ha!"
"Tse! Bihis na!"
"Yes, ma'am."
Inarapan ko siya. Ah... "Teka!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano?" irita niyang tanong.
"Phone mo."
"Ha?"
Umirap ako. "Bingi ka ba?! P-h-o-n-e mo! Ayan inispell ko na para sayo!"
"Taray mo talaga," sabi niya habang bininigay sakin ang phone niya.
"Pakilam mo."
Nang narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto niya saka ko dinelete ang contacts niya maliban nalang sa mga nasa lista. Pagkatapos ay nilagay ko ang number ko. Pagbaba niya binigay ko ang phone niya.
