CHAPTER 12 <DNA test?>
Pagdating ko sa bahay napansin kong may bisita. Isang magandang babae at isang matangkad at gwapong lalaki. Para silang foreigners, ang puputi.
"Arcell, andito ka na pala," sabi ni mama sabay yakap sakin.
"Ma sino sila?"
"Kaibigan ko lang." Pano ba nakilala ni mama ang mga taong to? Mukhang mayayaman sila.
Umupo siya kaya umupo ako sa tabi niya.
"Ma ano bang meron?"
Bumuntong-hininga si mama. Parang natatakot ako na ewan. "Kasi anak..." tumingin siya sakin. "Kukunin lang nila ang DNA mo."
"Ha? Para san naman po?"
Ngumiti si mama pero bakas pa rin sa mata niya ang lungkot. "Malalaman mo rin pag andyan na ang resulta ng DNA test mo."
Ba't ba kailangan ko ng DNA test? Kinakabahan tuloy ako. Ano bang kailangan kong malaman? Nakakafrustrate to.
"Hija, pahingi ng buhok mo," sabi ng mestiza na babae. "Kailangan namin iyon para malaman ang DNA mo."
Bumuntong-hininga ako habang bumubunot ng isang strand ng buhok.
"Salamat po. Ito lang ang kailangan namin. Paalam po," sabi ng mestizo na lalaki. Umalis rin sila.
Hula ko, mag-asawa ang dalawang iyon. Nakahawak kasi ang lalaki sa baywang ng babae. Cute silang tignan.
Biglang nag-vibrate ang phone ko.
From: Julius Ko
Arcell nasan ka?
"Ma, alis na ako ha? Hinahanap na kasi ako."
Hinalikan ako ni mama sa pisngi at ngumiti. "Sige. Mag-iingat ka ha."
"Opo. Love you ma. Bye bye."
Ano kaya ang dapat kong malaman? At bakit naman itatago iyon ni mama sakin?
~~ <3 ~~
"San ka ba nanggaling Nagluto nalang ako ng makakin," sabi ni Julius nang dumating ako.
"Hmm? Sa bahay namin. Di na ako kakain, ikaw nalang. Good night," sabi ko at umakyat sa hagdan.
"Hoy! Arcell, kumain ka!" sigaw ni Julius.
Di ko siya pinansin at pumasok nalang ako sa kwarto ko at nag-lock. Naccurious pa rin ako.
Ba't ba kailangan nilang malaman ang DNA ko? Ano bang meron? Ang dami ko ng problema, dadagdagan pa. Argh!
Nakakafrustrate ang buhay ko. Ang daming comlications, di ko na alam kung paano ayusin. Di na kaya ng utak ko ang mga nangyayari ngayon. Napakabigat! Pakiramdam ko bibigay na ako. Sana paggising ko, wala na ang mga problema ko. Para wala na akong aalahanin pa.
