[D.O]
"M..Mommy?"
"D.O" rinig ko. Idinilat ko ang mga mata ko. Its Kai. Bigla ko syang niyakap.
"Bakit?"
"Natatakot ako."
"Nandito lang ako." sa sinabi nya naramdaman ko na Safe ako.
"Anong gagawin ko Kai?"
"Wag kang aalis sa tabi ko." sabi nya. Tumango nalang ako bilang sagot.
***
Pabalik na kami sa Bahay nila Luhan. Nagdadalawang-isip pa ako kung babalik nga ako dahil hindi ko nakakayanan ang mga sinasabi ni Krystal. Pero sa huli napilit din ako ni Kai.
May isang bagay ang gumugulo sakin ngayon. Sino at Ano ba talaga ang totoong Kai? Napahinto ako sa paglalakad na ikinahinto din nman niya.
"Bakit?" kunot-noong tanong nya.
"Sino ka ba talaga?" tanong ko na mas lalong ikinanuot ng noo nya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo pa pinapakita sakin ang totoong ikaw Kai." nahalata ko naman na nagulat sya.
"T..Totoong ako? /he stopped/ Sa tingin ko hindi ko pa dapat ipakita ang totoong ako. Matatakot ka lang" nagsimula na syang maglakad pero binawi ko ang kamay ko dahilan para tingnan niya ako ng Masama.
"Ipinakita na ni Luhan ang totoong siya sakin. Bakit ikaw nakukuha mo pang itago ang totoong ikaw?" napahawak siya sa sintido nya.
"Natakot ka kay Luhan ng makita mo ang tunay na siya?" ngayon naman ako ang napakunot-noo.
"Bakit mo naman tinatanong yan?" sinubukan ko na hindi ipahalata na gusto ko ng umiyak. Bakit ayaw nyang ipakilala ang sarili nya sakin?
"Nauna akong magtanong.." sabi nya.
"Oo. Nung una, pero natanggap ko agad sya." iniwas ko ang tingin ko sakanya.
"Kung natakot ka sakanya. Mas matatakot ka sakin. Ayokong mangyari na layuan mo ako dahil lang natatakot ka sakin." malungkot na sabi nya.
"Hindi pa ba sapat na Mahal kita para lang ipakita mo sakin kung sino ka talaga?" napabuntong-hininga sya.
"Gusto mo talaga makita?" walang pag-aalinlangan akong tumango.
"Pangako. Mahal Kita." saka ako ngumiti sakanya ng matamis.
Then lumayo sya sakin at iniyuko ang Ulo. Maya-maya ay bigla nalang syang nagtransform into ...
"K..Ka..Kai?"
Yan ang huling salita na nailabas ko.
***
[Mommy ni D.O]
Naramdaman ko na pumasok si Kaiser ng Kwarto ko.
"Anong ginagawa mo dito?" habang inaayos ko ang mga gamit ko.
"Kailangan nating mag-usap." sabi nya at umupo sa Couch malapit sa Kama ko.
"Tungkol saan?" bumuntong-hininga sya. Its a Bad News.
"Nalaman na ni D.O na sya ng itinakda." sabi nya. Napahinto ako sa ginagawa ko. I knew it! Malalaman at malalaman nya din yon.
"P..Paano?" tanong ko ng hindi tumitingin sakanya.
"Si Ken. Ang Kambal." hinigpitan ko ang hawak ko sa Damit.
Kaya ako nandito ay para kunin ang anak ko at Patayin ang pumatay sa Anak ko ang Ate ni D.O. Its not an Accident ng Mamatay si Keisha. Itinulak sya, and I know who is the suspect. Kaiser's Adopted Son. Kai.
"Malakas siya." sabi nya.
"Sino?"
"Ang anak natin. Ilang beses ko na syang muntik mapatay ng dahil sa katigasan ng ulo nya pero alam mo ba na lumalaban siya? Hindi lang nya alam kung pano gamitin ang kakayahan niya."
"Hayop ka Kaiser." sabi ko.
"Mahal mo naman." insert the sarcastic. Nagpapatawa ba siya?
"Anong pinagsasabi mo?"
"Wag ako ang lokohin mo. Minahal mo ba talaga sya?" tumayo sya at lumapit sakin. Saka pinadulas ang daliri sa mukha ko.
"A..Ano?"
"Ginamit mo lang sya para umangat ka. Ginamit lang sya ng magulang mo para yumaman, at iniwan mo ako." may lungkot sa tono nya.
*Flashback*
"A..Aalis na ako." sabi ko kay Kaiser habang tuloy tuloy sa pag-agos ang luha ko.
"S..Saan ka pupunta?" hinawakan nya ang dalawang kamay ko.
"I..Isasama na ako sa Ibang bansa ng magulang ko." sabi ko.
"I..Iiwan mo ako?" tanong nya.
"K..Kaiser." sabi ko. Bigla nyang binitawan ang kamay ko at niyakap ako na para bang ayaw na nya akong mawala sa tabi niya.
"Wag. Wag mo akong iiwan Catherine. Pakiusap. Sinabi mo Mahal mo ako? Diba? Bakit ngayon aalis ka? Kakausapin ko ang mga magulang mo." sabi nya. Pero tinanggal ko lang ang mahigpit na pagkakayakap nya.
"S..Sorry K..Kaiser. S..Sana m..ma..mapatawad mo ako." atsaka ako naglakad na palayo.
Pumunta kami ng America at doon nagpakasal ng Papa ni Keisha. Naging Masaya kami. Pero kinaelangan kong Umuwi ng Korea para sa isang Linggong Trabaho. Pero di ko inaasahan na makikita ko si Kaiser at may mangyayari. Last Day ko sa Korea. Umalis na naman ako ng walang pasabi sakanya. That time, mahal na mahal ko pa din sya. Walang laman ang puso ko kung hindi sya lang. Kaya hinayaan ko na may mangyari samin. 3 Weeks ng malaman kong Buntis ako at pinalabas na Anak si D.O ng Papa ni Keisha. Alam kong ang sama kong Ina at Asawa para gawin yun, dahil alam ko kung gaano ako kamahal ng asawa ko ay hindi ko naisip na sabihin dahil ayokong masira ang tiwala nya sakin. Mahal na Mahal nya ako pero Kaibigan lang ang turing ko sakanya kahit na may nangyayari samin.
*End of Flashback*
"Wag kang magpatawa Kaiser." nawala ang ngiti sa mga labi nya at umupo ulit sa Couch.
"Kelangan natin syang makuha agad." seryoso nyang pahayag.
"Alam ko. At yun ang gagawin ko ngayon." sabi ko atsaka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.
*
Exo__Princess
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] My Immortal Boyfriend [Kaisoo Fanfic]
RomanceKaisoo Fanfic <3 [COMPLETED]