Chapter 22

4.7K 190 11
                                    

[D.O]

"Mas kailangan na nating umalis sa lugar na to Mommy." pagkasabi ko nun. Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad paalis.

"Hahayaan mo nalang na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Ate mo?" narinig kong sabi ni Mommy. Bigyan ng hustisya?

"Alam kong hindi ito ang gusto ni Ate, Mommy."

"Hindi mo alam ang gusto ng Ate mo D.O. Lahat ng tao gusto makatanggap ng hustisya." sabi niya. Hinarap ko sila.

"Papatayin ko sila. Pagkatapos ko silang patayin. Aalis na tayo dito, Mommy." sabi ko saka na umalis. Pumunta ako sa pinakatahimik na lugar dito. Sa pinakatuktok ng kastilyo o Bahay na to. Paano ako nakarating? Malamang naghagdan ako.

Nahiga ako at pinakiramdaman ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Walang istorbo at walang mangugulo. Bigla kong naalala si Kai.

I shook my head. Hindi ko dapat siya isipin. Mas lalo ko lang nararamdaman kung gaano ako kagalit sa kanya ngayon. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Kamusta?" napadilat ako ng mata.

Si Kiel. Ang kambal ng masungit na si Ken.

"Ayos lang ako. Bakit ka nandito?" tanong ko at umupo nalang at tumingin sa harapan ko.

"Para kausapin ka." sabi niya. Tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha.

"Para saan?" Nakalimutan ko pala na kapatid ko siya. Gusto man tanggapin ng isip ko. Ayaw naman ng puso ko. Dahil alam ko sa lahat ng nalaman ko, pagmamahal padin ang nararamdaman ko. Pero isinisigaw ng Isip ko ngayon na galit ako sa Kuya niya.

"Niloloko nila tayo." sabi niya. Napakunot-noo ako.

"N..Niloloko?" tanong ko at napatango siya.

"Ilang beses ko ng narinig ang eksaktong nakasulat sa libro ng propesiya pero hindi ko alam kung bakit sila nag'iimbento ng kwento."

Dahil sa sinabi niya, mas lalong napakunot ang noo ko. What did he mean? Anong imbento?

"Ang sabi ng Ama at Ina ng kaibigan ko, Kailangang mapatay ng itinakda ang mga Traydor at pag-ayusin ang magkakasapi." sabi niya. So ano ngayon ang imbento dun? Pareho lang naman.

"Ano naman ang sinasabi mong imbento?" insert the sarcastic here.

"Hindi sinabi sa Propesiya kung sino ang Traydor at magkakasapi." sabi niya. Oo nga no? May isip pala si Kiel? Galing niya. Mana siguro to sakin. Joke.

"O ngayon?" sabi ko nalang.

"Ang mga Bampira." panimula niya at huminto.

"Matagal ng magkasapi ang grupo namin at ng mga Bampira. Pero tulad ng kapatid ni Ama, naramdaman ko din ang kakaiba sa Lahi nila. Tiwala si Ama sa mga Bampira na tutulong sila satin pagdating ng kabilugan ng buwan, mamaya." huminto siya at bumuntong hininga.

"Hindi ako tiwala sa Lahi nila, D.O. Isa lang naman ang naiisip ko ngayon. Sila ang traydor at kakampi natin ang Lahi ng kapatid ni Ama." seryoso siya. Teka lang?

"Anong kakayahan mo Kiel?"

"Malaman ang damdamin ng iba. Mapapagkatiwalaan ba to o Hindi. May binabalak ba sila o wala. At higit sa lahat, Ibahin ang mukha ng isang mortal."

P..Pede yun? Ade sana kung nakilala ko na siya dati pa sumikat na siya. Hindi na sana nauso ang Retoke. Sana pala dinala ko na sakanya ang Maid namin dati na ang problema ay ang ichura niya.

"Patawarin mo ako D.O." sabi niya.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"Kapag nalaman mo na ang totoo. Sana mapatawad mo ako." sabi niya atsaka mabilis na umalis sa lugar.

[COMPLETED] My Immortal Boyfriend [Kaisoo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon