Chapter 15

5.8K 218 7
                                    

[D.O]

Umuwi ako sa Bahay ko. Inayos ang mga Gamit ko. Aalis na ako dito. Walang may Alam sa Plano ko kaya kailangan kong magmadali. Sabi ni Krystal kelangan ko lang umalis para walang Mamatay. Ayokong sariling Kamay ko ang Pumatay kay Kai. Hindi ko makakaya ang ganung Pangyayari.

*Booosgh*

Parang may sumira ng Pinto at narinig ko ang Yabag na papunta sa Kwarto kung nasaan ako. Bigla akong kinabahan. S..Sino to? Tinitigan ko ang Door Knob na para bang pinipigilan ito sa pagbukas hindi ko ito na'Lock kanina. Bigla akong may narinig na Humampas ng Pinto.

"D.O Buksan mo to!!" sigaw n..ni K..Kai?

Buksan? Hindi naman naka'Lock yun ah. Biglang bumukas ang Pinto at iniluwa nuon si Kai na matutumba sana ng bigla syang huminto. Parang huminto ang Oras at napigilan ang pagbagsak nya. Napatingin siya sakin atsaka sya tuluyang bumagsak.

"A..Ano yun?" tanong nya.

"Anong ano?"

"Ginawa mo yun?" tanong ulit nya.

"K..Kapangyarihan mo yun diba?"

"H..Hindi. Sa Pakikipaglaban at Takbuhan lang ang Kakayahan ko." paliwang nya.

"B..Bakit ka pala nandito?" napatingin sya sa Bag na katabi ko. Biglang naging Seryoso yung Mukha nya.

"Saan ka pupunta?"

"I..Inaa..ayos ko l..lang."

"Huwag mo akong lokohin D.O! Saan mo balak pumunta!?" sigaw nya. Napaurong naman ako. Hindi ko pwedeng sabihin na ako ang mkakapatay sakanya. A..ayokong malaman nya. Alam kong masasaktan ko sya.

"Pwede bang umalis ka na lang? Ano bang pakielam mo? Buhay ko to!" sigaw ko saka nagpatuloy sa ginagawa ko. Mabilis syang nakarating sa harapan ko at hawak ang kamay ko na may damit. Ano bang dapat kong gawin? Binitawan ko ang hawak ko at izinipper ang Bag. I need to go. Pero isang kamay na naman ang Hadlang.

"Ano bang gusto mo? Huh?" tanong ko.

"IKAW!" mariin na sabi nya.

"Sabihin mo nga sakin Kai, Bakit ako ang Kailangan mo? Ano ba Kita?" tanong ko. Bigla akong kinabahan sa isasagot nya.

"Mahal Kita. Mahal mo ako. At ako ang BOYFRIEND MO!!" sobrang diin nyang sabi. B..Boyfriend? Saan nya nalaman yun?

M..My I..Immortal B..Boyfriend?

"B..Boyfriend? Saan mo naman nalaman yan?"

"Kay Sarah." Oo nga pala. She know English too. Pero kelangan ko ng Lumayo.

"KAILANGAN KO NG UMALIS!!" sigaw ko. Bigla syang tumilapon at humampas sa Pader sa Harapan ko. A..Anong nangyari?

"A...aaaah!" daing nya. Nilapitan ko sya.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Lumalabas na ang tunay na Ikaw D.O." sabi nya. L..Lumalabas na ang tunay na ako?

"Anong sinasabi mo?"

"Naikwento na ba ni Ken?" tanong nya at tiningnan ako sa mga Mata. Iniwas ko naman ang sakin.

"H..Hindi ko pa sya nakikita." i lied.

"Wag ako ang lokohin mo. Sinabi na nya sakin. Mapapatay mo ako." bigla akong natigilan sa sinabi nya, nanlambot ang buo kong katawan at napaupo.

"P..Paano mo nalaman?"

"Kay Ken."

"Bakit parang di ka natatakot?"

"Matagal ko ng Alam to. Kung hindi ikaw ang papatay sakin. Ako ang papatay sayo." Bigla akong nabuhayan.

"P..Papatayin mo ako?"

"Yun lang ang dalawang posibleng mangyare." sabi nya.

"Patayin mo ako." kinuha ko ang Kamay nya at inilagay sa Leeg ko. Bigla naman nya itong binawi.

"Ako ang papatayin mo." sabi nya.

"Hindi ako makakapayag! Kill me now Kai!"

"Ilang beses ko bang sasabihin na ako ang dapat mamatay?!" sigaw nya sabay Yakap sakin.

"Gagawin ko lahat malaman ko lang na Ligtas ka. Kahit na ang kapalit nun ay ang Buhay ko." sabi nya. Di ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak.Nag-unahan na sila.

"Hindi ko kaya na Wala ka sa Buhay ko. Mas gusto ko pang mamatay kasama mo kesa sa magkahiwalay tayo."

"Hindi. Mabubuhay ka." yun nalang ang huling sinabi nya at hindi na ako sumagot.

***

"K..Kai?"

Madilim na lugar. Nasan ako? Tanging liwanag na bilog lang ang nakatapat sakin at nagbibigay liwanag. Tiningnan ko ang sarili ko. P..Puno ng dugo ang katawan ko. Bigla akong tumingin sa Harap ko.

"K..Kai? A..anong nangyari sayo?" tanong ko. Punong-puno siya ng dugo. S..Sino ang may gawa nito?

"Gagawin ko lahat malaman ko lang na Ligtas ka. Kahit na ang kapalit nun ay ang Buhay ko." saka sya biglang naglaho. Nagpalinga-linga ako para hanapin sya.

Umaagos na din ang mga Luha ko. Anong gagawin ko? Nasaan na siya? Naramdaman ko na lumalakad ako. Bigla kong nakita ang dalawang pigura ng Tao na humihila sakin. Hindi ko makita ang mukha nila dahil nakatalikod sila. Pero biglang lumingon ang isa.

"M..Mommy?"

***

[Papa ni D.O]

"Anong gagawin natin?" tanong ng Asawa ko.

"Gagamitin natin ang itinikda."

"Anong sinasabi mo?"

"Ang pamilya nya ang papatayin nya."

"S..Si K..Kaiser?" tumango ako. Nakita ko na nag-iba ang Aura nya.

"Hindi na sya ang Kapatid mo!" sabi ko sakanya.

"Kapatid ko padin sya!" sigaw nya.

"Anong gusto mo? Pamilya natin ang Mawala?" hindi nya nakapagsalita.

"Papatayin natin ang itinakda pagkatapos nyang patayin ang Pamilya nya."

"A..ANO?!" Lumabas na ako ng kwarto at hinayaan nalang sya.

***

[COMPLETED] My Immortal Boyfriend [Kaisoo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon