Chapter 20

5K 190 7
                                    

Kaisoo in the Side ----> <3

[D.O]

Nagising ako ng masakit ang katawan ko. Naramdaman ko na may mabigat tummy ko tiningnan ko kung ano, kamay ni Kai na nakadantay sa bewang ko. Naalala ko na naman yung nangyari samin. Napangiti ako. Hindi nga ako nanaginip. Humarap ako sakanya at tinitigan siya.

Ang gwapo niya.

Yan ang nasabi ko sa isip ko habang inaayos ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mga mata niya. Gumalaw siya bigla nagising ko ata. Idinilat niya ang mata niya, bigla siyang ngumiti.

"Hindi nga ako nanaginip." sabi niya atsaka pumikit at hinigit ako para mayakap niya ako ng mas mahigpit.

"Akala ko man eh. Pero nagkamali ako." sabi ko habang nakasubsob siya sa Leeg ko.

"Mahal Kita Kai."

"Mas Mahal kita D.O." sabi niya saka ako hinalikan sa Leeg. Nakaramdam na naman ako ng Kuryente.

Inilibot ko ang mata ko. Paano ko ngayon aayusin to?

Mga Nagkalat at Sirang gamit at ang pinakamatindi ang Sirang Pinto. Napailing nalang ako.

Mas Wild pala si Kai kesa sa inaasahan saka nalang ako napangiti.

**

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay Kai habang kumakain.

"Babalik tayo sa Bahay nila Luhan." sabi nya.

"Aaaah. Ano mo pala si Luhan?" tanong ko. "Matagal na pala kayo magkakilala, nagsinungaling ka pa sakin noon."

"Pinsan ko sya. Ang Ama ko at Ina niya ay magkapatid." he sigh. "Akala ko kasi dati may binabalak siyang masama sayo." he added.

"Binabalak na masama? Mukhang hindi naman ganung klaseng tao si Luhan, Kai."

"May gusto ka ba sakanya?" nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"Wala ah!" Inayos ko yung sarili ko at nagsalita ulit.

"Kahit Gwapo siya at umamin na may gusto siya sakin, Kaibigan pa din ang turing ko sakanya. Walang magbabago dun." I sigh.

"May gusto siya sayo?" di makapaniwalang tanong nya kaya napatango ako.

"Pero ikaw ang Mahal ko." sabi ko. Nakita ko na medyo kumalma ang mukha niya.

"Bilisan mong kumain para makaalis na tayo agad." sabi niya.

Maya-maya nag-ayos lang ako at kumuha ng ibang gamit. Dun muna ako magstay sa Bahay ng mga Magulang ni Luhan. Palabas na kami ng Bahay, hawak-hawak ni Kai ang Kamay ko. Holding Hands. Binuksan na niya ang Pinto pero naramdaman ko na napaurong siya kaya tiningnan ko kung sino ang nasa Labas.

"M..Mo..Mommy?" bulong ko. K..Kasama niya yung Kaiser at madami pa. I heard Kai gritted his teeth.

"Masama to." bulong niya. Bago ko pa makalimutan, si Mommy nandito. Bakit siya nandito? Arg. Nakalimutan ko pala na pinapahanap niya ako. And she succeed, She Found me.

"Mommy anong ginagawa niyo dito?" sigaw na tanong ko.

Nakalimutan ko bang sabihin na Hindi ako galit sa Mommy ko? Naiinis lang ako dahil hinahayaan nya lang si Daddy na kumontrol sa buhay ko. Mahal ko si Mommy, alam ko naman na nag-aalala lang siya sakin kaya pumayag siya sa plano ni Dad na ipahanap ako sa twing lalayas ako.

"Anak, namiss ka na ni Mommy." sa narinig ko parang nanlambot ang tuhod ko. Naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak sakin ni Kai. Lumingon ako sakanya.

[COMPLETED] My Immortal Boyfriend [Kaisoo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon