Ang sakit ng ulo ko, sobrang sakit! Parang nilalagari!, pinupukpok! Ahhhh! Aray!!
"Ahhhhh!!!"
Sumisigaw sa sakit si Vhia habang hawak ang ulo nyang binibiyak sa sakit at habang walang malay na ginagamot sa camp 4.
Ang camp 4, ay ang kampo kung nasaan ang pinakamagagaling nilang doktor at iba't-ibang klaseng doktor, scientists, at iba pa.
Doon din isinasagawa ang mga deadly weapons nila na hinahaluan ng lason. Mapalad si Vhia dahil may pangotra sa lason na pumasok sa katawan nya, ngunit matatagalan sng pag gamot sa kanya. Aabutin iyon ng mahigit dalawa hanggang tatlong linggo.
Kailangan nilang idrain ang dugo nito kung saan humalo ang lason papunta sa utak nya na nagsisimula ng kumalat.
Hindi ganun kadali palitan ang dugo ng isang tao. Pero may mga kagamitan silang high-tech na maari nilang gamitin para sa mabilis nitong pag galing.
"Kapit lang Vhia, kaya mo yan! Matapang ka diba." Kausap ni Gold kay Vhia na walang malay.
"The process will start now Gold, tara! Kailangan na nating lumabas." Ani Silver kay Gold. Tutol pa sana si Gold na iwan ito dahil naging malapit na sa kanya si Vhia pero kailangan nilang ipagkatiwala si Vhia sa mga doctor nila.
Lumabas sila ng silid kung nasaan si Vhia, laking gulat nila ng makita doon si Grieg sa labas ng silid.
It's been two days, nang mag simulang gamutin si Vhia, at ngayon lamang nila nakita ang Master nila na pumunta doon.
"How's she?" Tanong nito sa kanila.
Nagkatinginan muna sila bago sumagot.
"S...si..vhia po ba Master?" Ani Gold.
Tumango lamang ito. Mas nagulat sila sa pagtango nito kaysa noong makita nila ito na nandoon. Hindi ugali ng Master nila na dalawin o kamustahin ang tauhan nito na sugatan o mamatay na.
Hindi agad nakasagot si Gold dito kaya si Silver na ang nagsalita.
"The poison is spreading thru her veins right now, at umabot na yun sa utak nya kahit ilang beses na naming pinigilan iyon." Ani silver dito na naglakad palayo sa silid kasabay si Gold at Grieg.
Kailangan nyang ilayo doon ang master nila. Hindi ni maaaring makita ang totoong itsura ni Vhia, at utos din yun ng nakatatandang Grego, ang ama nito. Hindi nila alam kung bakit basta sumusunod lamang sila sa utos.
"So anong ginagawang paraan para matanggal ang lason." Tanong ni Grieg
Muling nagkatinginan ang dalawa, hindi din nila maaaring sabihin ang solusyon sa pag gamot kay Vhia, dahil naireport na nila sa ama ni Grieg ang nangyari, inutusan nila ito na walang sasabihin kay Grieg tungkol sa paraan ng pag gamot dito, na kanila namang ipinagtaka at sumunod na lamang.
"We.....w..e are draing the poison. Yeah, kaya matatagalan ang proseso ng pag gamot sa kanya, pero nakasisiguro kaming gagaling sya." Pagsisinungaling ni Silver. Mariing pinikit ni Gold ang mata nya. Ayaw nilang mag sinungaling dito, nalilito sila kung sino ba talaga dapat ang sundin. Ang ama ba nito o ang mismong nakaupo na sa trono.
"How long?"
"Two to three weeks."
"Okay, can i see her?"
"No!" Korus na turan ni Gold at Silver.
Nagsalubong ang kilay ni Grieg sa inakto ng dalawa, ramdam nya na may itinatago ang mga ito sa kanya.
"Are you two hiding someting?" Malamig na turan nya.
"Wala ho! Lumabas nga ho kami doon dahil bawal kami don, masyadong maselan ang proseso Master." Ani Silver.
BINABASA MO ANG
Stolen By The Twins (Completed)
General FictionRATED SPG (TLKSHD) Grieg Peter Frauts, pang apat sa mga magkakaibigan. The bachelor's billionaire in Asia. A model, A business Man, A Prince and a Heir of their family. Not just a prince but heartthrob a Prince. His heart stolen by the twins... Ria...